Yugto 12: Falling 2022

9 1 0
                                    

Yugto 12: Falling 2022

Patapos na ang taong 2022 at wala parin akong jowa. Siguro hindi pa itinakda sa akin. Natapos na namin ang dula at may grade na kami. Napagtanto ko rin na wala rin akong nararamdaman kay "Neh". Siguro hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya at nabalitaan ko rin na may nanliligaw na sa kanya. Crush lang siguro ng mabilis na panahon at hanggang dun lang.

Noong pasko ng 2022, gumala kami ng aking mga ka-tropa sa isang mall upang magpakasaya at bakasyon naman din. Tumagal kami ng higit 2 oras sa masasayang kulitan at asaran. Nawa'y maulit yung panahong iyon dahil talagang ang saya. Hindi ko talaga malilimutan na sumigaw sigaw pa sila sa loob ng mall at yan, napagalitan sila ng guard. Be gentlemen kasi!

Pagkatapos ng gala ay naghiwalay na kami. Ang ila'y pupunta pa raw sa isa pang mall at doon naman magpapasaya. Ako nama'y nagsimba kasama si mama at laking gulat namin na walang tao sa loob ngunit ang daming tao sa mga mall. Mas unana siguro ang pasarap kaysa sa pasasalamat.

Nang makauwi, binuksan ko ang aking Facebook account. Habang nag-iiswipe ay nakita ko na nagpalit ng profile picture ang aking close friend na babae.

Wow! Ang ganda't sexy niya sobra. Nakakulay dark blue siya non at bagay na bagay talaga sa kanya. Mas nabighani ako sa kanya at sinave ko ito sa aking cellphone para idrawing.

Maganda talaga yang kaibigan ko't ang tagal na naming magkakilala. Kung minsan, lagi nagpapapicture sakin noon yan eh. Di ko malilimutan yung mga panahong iyon.

If you liked this chapter, hit a vote!

Paano Umasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon