Yugto 26: Ligayang Hindi Sigurado

3 1 0
                                    

Yugto 26: Ligayang Hindi Sigurado

Nang sumapit ang umaga, naisip kong lumayo na siguro kay Rose Ann, baka tama na yung kahapon para matauhan ako. Kaya paggising, hindi na ako nagchachat sa kanya. Online class pa kami nun kaya bumaba na ako para buksan ang laptop para makinig sa guro. Pero bago pa man ako makababa, nagchat nanaman siya may pinapasabi na hindi siya makakapasok dahil sasamahan niya ang kanyang nanay sa doktor para magpakonsulta. Hinayaan ko lang, hanggang sa isang oras ang makalipas, magka-chat ulit kami kasi nagtatanong siya kung ano ang ginawa kanina sa Online class. So ayun, binigay ko sa kanya lahat hanggang sa ito nanaman po kami, magka-chat lagi.

Pagpapaliwanag:

Mga alas 4, chinat niya ako, "May tanong ako?" So ayun sumagot ako at ang tinanong niya ay ang tungkol sa kahapon, na nakita ko silang magkasama ni James. Ano daw ang akala namin nung nakita naming magkasama sila ng lalaking iyon. Sumagot ako, "Di ko to sinasabi sa'yo kasi ayoko na manghimasok ng relasyon pero alam kong jowa mo si James and I'm happy na nakakilala ka ng taong mas nagmamahal at nag-iintindi sa'yo kesa sakin."

Dagdag ko, "Pinapatawad kita kung nililihim mo ito sa akin dahil alam kong ayaw mo akong masaktan pero wala na sa akin yun kasi alam ko namang di rin kita makukuha"

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap at ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. Sinabi niya sa aking itinatago niya ang relasyon nilang dalawa kaya niya inililihim ito. Nasabi rin niya na hindi pa raw sila. Kaya pumasok sa isip ko na M.U. lang siguro sila tulad nang kay Owang at Jam.

Payo Nina Henz:

Nagkapaliwanagan na, ngayon, nabanggit ko ito sa tropa, sina Henz. Pero sa pagkakataong ito, nagalit ang ilan sa kanila. Pagkat sinabi nilang paulit ulit nalang si Rose Ann ang nababanggit ko kahit pinipilit kong nagmomove on na ako. Inintindi ko nalang sila kasi wala rin akong magawa ngunit nagtatampo rin ako sa mga nasumbat nila at siguro nga'y mahal ko pa rin si Rose Ann kaya't hindi ko, o mahirap saking matanggap ang kanilang sinabi. Gusto ko nang magpaubaya, ngunit bakit ganun? Ayaw pa ng puso, ayaw ko pang bumitaw? Pero mas pinaninindigan ko na hindi ko iiwan si Rose Ann kahit nagmomove on ako. Di ko kayang iwan siya.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now