Yugto 33: Manloloko

2 2 0
                                    

Yugto 33: Manloloko

Si James at Rose Ann:

Late April ay ang birthday ko at nandito na kami sa kalagitnaan ng petsa at sinabi ko na rin kina Rose Ann, Angela at Abegail na sila ang isasama ko sa magiging handaan ko sa aking kaarawan. Mga tatlong araw bago ang birthday ko, chinat ako ni Rose Ann na maghihiwalay na sila ni James dahil sa mga bagay na nasabi niyang nagkaroon ng pagkukulang si James sa kanya.

Kaya nanghihingi ito ng tulong sa akin at pagpapayo.

Dumating naman sa pagkakataon na kilitain niya si James para isauli ang jacket nito, ngunit maigi ko siyang binilinan sa magiging hakbang niya pero magpapasama siya kay Angela para ibigay sa kanya at para tigilan na siya. Pumayag ako sa kanyang plano.

Pagkatapos, sinabi niya sa akin ang nangyari, sinabi niya na nagpaliwanag si James sa kanya at napaiyak. Sinabi niya sa akin na si James din ay maraming ginagawa at di sinadyang kalimutan siya. So tinanong ko siya kung ano ang status na nila ngunit sabi niya "hindi nila alam" at parang nararamdaman ko na nagkabalikan ulit sila.

3 araw nalang ay ang kaarawan ko at may exam pa kaming nirereview at sasagutan.

Ang Exam:

3rd Quarter Exam na namin, at puspos akong nagreview para mabawi ang grades ko. Nasa punto na nagkatampuhan ulit kami ni Rose Ann sa hindi ko alam na dahilan hanggang sa inaantay ko na pansinin niya ako sa room. Ngunit wala, kaya nagpasiya ako na mag-sorry ulit kahit hindi ko alam anong pagkakamali ang ginawa ko.

Pagkatapos ng exam sa pangalawang araw, sumama ako kina Henz at ang tropa para pumunta sa isang "milktea shop" at magbonding. Pagkatapos, nagpasiya ako na magpasundo sa mga magulang ko sa simbahan o parokya na malapit doon. Nagdasal ako ng taimtim.

Pag-uwi, chinat na ako ni Rose Ann. Ano nanaman kaya ang mangyayari?

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now