Yugto 20: Ang Muling Pagkikita

2 0 0
                                    

Yugto 20: Ang Muling Pagkikita

Pagkalipas ng isang linggo, muli kaming nagkita-kita at maalala ko ay "valentine's day" na pala kaya't bago pa man dumating ang pasukan, gumawa ako ng sariling bulaklak, naghanda ng tsokolate, isang artwork at love letter. Baka sakaling ito'y kanyang mapusuan at magustuhan.

Sa kagandahan, nakapagpicture rin ako sa tabi niya at nahawakan ko pa ang kanyang muntik buhok. Lubos rin itong nagpapasalamat sa regalong kanyang natamo mula sa akin.

Baka nga, ako lang ang lalaking nag-abot sa kanya ng pagmamahal sa valentine's.

Matapos ang lahat ng pangyayari. Siya'y muling nagpasalamat sa akin. Wala akong maisagot kundi "Deserve mo yan dahil ikaw ang nagpalalakas sa akin araw araw."

Kung maaari ko lang na mahalikan ang kanyang labi. Pagmasdan ang nakakaakit niyang kagandahang tagos sa aking puso't kaluluwa. Kung pahihintulutan lang.......sana.

Ang importante  sa akin ay naipaparamdam ko kay Rose Ann na espesyal siyang tao sa akin at nawa'y nakikita niya ang mga inilalaan kong panahon upang makamit ko siya. Hinding hindi ko siya iiwan at nandito ako lagi sa tabi niya, nangangako na aalagaan siya at magbibigay ng kamay nang makatulong.

Hindi ako nag-isip ng masama ngunit hindi rin maiwasan na magselos, magduda at magtampo  ngunit pinipigilan ko ang lahat ng ito at nag-iisip ako ng mabuti. Ika nga, kapag ang tao'y nagseselos, nagtatampo o nagdududa, ibig sabihin mahal na mahal niya ang isang tao. Ang daming pananaw ng tao ngunit ako'y walang ibang tinatanaw kundi siya lang, kundi si Rose Ann lamang.

If you liked this chapter, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now