Yugto 10: Late Falling Period

10 1 0
                                    

Yugto 10: Late Falling Period

Pagkainis:

Early December, nagkaroon ng groupings sa aming klase at ako ang naatasang lider ng grupong ito. Pumili ako ng mga kagrupo at isa na dun ang ay si Jam.

Pinili ko rin ang mga tropa nitong babae dahil yun ang kagustuhan niya. Pag-uwi ay siya ang pinag-utos ko na gumawa ng group chat para makapagsimula na.

Dito sa groupings na ito ay hindi ako nasiyahan dahil nagsasarili ang iba dyan at kasama na ang mga katropa niya. Di ko nalang ito pinansin pero kalauna'y umabuso na talaga at kumulo na ang dugo ko kaya napagsalitaan ko ang ilan sa kanila.

Sabi na lamang ng mga tropa ko na hayaan nalang sila para wala na akong problemahin. Lubos akong nagtanim ng sama ng loob.Isa sa sinabihan ko nito ay sina Henz, Angela, Abegail at si Rose Ann na nakasaksi rin sa nangyayari.

Pinagpapasensyahan ko na lamang sila dahil wala rin namang mangyayari kung paiiralin ko ang galit ko sa kanila. Sige go! Magsarili sila.

Pagpapalaya:

-------the next week-------

Ito na, gagawa na kami ng group activity, pinaalam ko rin ito sa guro namin bilang lider nila. Kailangan parin nilang respetuhin ang ranggo ko.

Habang gumagawa kami nang activity na ito, ang iba'y walang ginagawa ngunit maayos naman ang presentasyon namin, yun lang at medyo mababa ang grado na natanggap namin. Hindi na lamang ako kumibo at deserve naman namin ito kaya what pa?

Dahil sa pangyayaring ito, tinuring ko ang mga kaibigan ng crush ko na mga "toxic" dahil sa kanilang ugali kaya nagdesisyon na rin ako na panindigan na kakalas na ako para lumayo sa kanila. Bounce na ako guys!

Sinabi ko na lamang na okay lang na walang crush sa klasrum. Hirap maging blind pagdating sa love. Pati mga diskarte ko nasisira dahil dito. Sa tropa na lamang ako.

Medyo matagal din akong namuhay ng walang salitang "hanga" dahil hindi ko naman kaya yang panindigan.

Iniiwasan kong ma-fall ulit sa iba pero sa tingin ko normal sa tao ito na ang bilis magandahan sa iba.

Nagkaayos na rin kami ng mga kaibigan kong babae lalo na kay Rose Ann, at alam na rin nila na kumalas ako sa crush ko. Tinanong nila kung bakit. Ang sinagot ko, mahirap mabulag sa pagmamahal. Love can poison your mind and can create even simple problems which can make bigger ones. Tanggap din nila at naintindihan ang nasabi ko.

Pinilit ko na magmove on at kalimutan ang maganda niyang ugali. Ang mga masisining at kaakit akit na mga mata. Salamat na lamang sa mabuting asal na ipinakita niya sa akin.

Hindi ko pinagsisisihan na naging crush ko siya pero sa buhay minsa'y kailangan magparaya lalo't kung pag-ibig ang topic.

Salamat na lamang sa mga alaalang ginuhit niya sa aking puso.

If you liked this chapter, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now