Yugto 22: Tabing Landas

2 0 0
                                    

Yugto 22: Tabing Landas

Sa wakas, nakamit ko rin ang aking inaasam pero hindi kami ang ito. Haha nakakapraning na parang bago kami sa isa't isa. Grabeng araw ito. Wala naman sa akin iyon kasi ang importante ay kasama at naaalalayan ko siya okay na sa akin iyon.

Maging sa bahay, ka-chat ko parin siya, patunay lamang na umuubra pa rin ang pagkakaibigan namin ngunit iba kami sa personal. Medyo nararamdaman kong naiilang pa rin siya sa akin pero pinagdarasal ko na sana'y panandalian lang ito.

Naging masaya ako na maging katabi siya sapagkat kahit na tahimik kami sa aming upuan, nararamdaman ko na "close" pa rin kami ngunit nahihiya lamang sa isa't isa. Nagpatuloy ito hanggang umabot ng 3-4 weeks at dito ay nagoopen up na rin kami sa isa't isa kung saan ito'y aking ikinagalak. Nagtutulungan din kami sa mga seatworks, maging sa assignments, magkachat pa rin kami. lsa iyon sa naging memorable moments ko, na maramdaman ang tiwala sa akin ni Rose Ann. Habang tumatagal, naisip ko rin na palayain na siya, pero mahirap. Kung gusto kong ipagpatuloy ito, siguro, palayain ko na ang nararamdaman ng puso ko.

Pebrero 17,2023, dito na i-aanunsyo ang mga estudyanteng may "with honors" sa klase namin. Ako'y lubos na kinabahan pagkat nararamdaman kong baka mababa ang ranggo ko sapagkat may dinadamdam ako. At ayun na nga, bumaba ako. Ang sakit nun grabe kasi nasaktan ako sa pag-ibig tapos ito pa. Nakakadismaya. Bumaba ranggo ko sa top 10 nalang na dati top 4 pa ako.

Ginawan ko ito ng paraan ngunit sana'y mapagtatagumpayan ko.

Abangan ang susunod pang kabanata....

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now