Yugto 3: Sakit
Nung matapos ko na ang aking asignatura sa math, naisip ko na magpasalamat sa aking crush ng personal para ng sa gayon, mapagtatanto niya na isa akong mabuti at mabait na kaibigan at kaklase. Pinaghandaan ko ng mabuti ang aking sasabihin at ayokong mapahiya. Paminsan minsa'y chinachat ko siya sa Messenger pero minsan seen lang.
Ako'y nagtaka kung bakit, pero hindi ko na 'to inintindi at sinabi ko na lamang na baka siya'y maraming ginagawa. Lingid sa aking kaalaman na siya'y ilag na pala sa akin. Mabait ba kaya si Lian Mae o di kaya't may pagkasungit siya na hindi uubra itong pagihing "clingy" ko?
Dumating ang oras na pasukan ulit. Handa na ako sa aking sasabihin pero hindi nailabas ng aking dila ang nais ipabatid sa hinahangaan kong tao hanggang sa nag-uwian na. Hindi ko nagawang kausapin siya dahil sa lalim ng aking hiya.
Minsa'y nahihinuha ko na hindi patas ang tadhana sapagkat hindi kaya ng aking katawan na lumapit at dumaldal sa ninanais mong makasama habambuhay. Bakit ang iba diyan ay nagkajowa? Dahil hindi sila inuunahan ng kaba't hiya. Pero ako, labis at labis na nagsisisi kung bakit hindi malabanan ang takot sa sarili. Siguro dahil baka may masabi akong mali? Ganun ba iyon? Natatakot lumapit at naninigas dahil sa pagkakamali. Alam kong lahat ng tao ay nakagagawa ng mali pero pag nag "first move" ka, dapat it is right.
Pag-uwi muli, nagpasiya ako na itayo ulit ang aking sasabihin kay crush. Kahit mahirap sakin, kailangan kong harapin dahil para sakin, walang mangyayari kung hindi ako lalapit. Naisip ko na magtanong sa kanya kung pwede ba akong makipagkaibigan sa kanya. Napagtanto ko na baka pumayag siya at ito'y magiging daan para kami'y mag-usap ng todo.
Hiyang hiya nanaman magsabi sa paaralan kaya, nagdesisyon ako na sa uwian nalang ibabatid itong sasabihin ko kay crush. Sa di inaasahan, nagsenyales siya ng "hindi pwede". Tinatanong ko siya kung bakit pero wala siyang maisagot.
Ako'y lubusang nasira ngunit hindi ko 'to pinapahalata dahil ayokong iparating sa kanya na ako'y nasaktan na. Sa totoo lang, tumatawa pa ako sa aking mga tropa kahit hindi ito bukal sa aking kalooban. Nagpapanggap na lamang akong masaya sa iba.
Nakita ako ni mama na nakasimangot, nagtaka siya kung bakit.....
Mama: What happened to you? Bat ganyan itsura mo?
Ako: Wala ma, may iniisip lang
Mama: Busted ka noh?
Ako: Hindi ah, I'm just thinking of something😉
Akala siguro ni mama na hindi ako gusto ng babaeng iniibig ko kaya't, nagtanong siya kung binusted ba ako kaya mukha akong may nararamdamang bigat sa puso. Pero totoo ang kanyang hinala. Ako'y nasaktan na ngunit hindi ko 'to inaamin dahil baka isipin nila na ako'y masyadong affected.
If you liked this chapter, hit a vote!
YOU ARE READING
Paano Umasa?
RomanceKaya mo bang ipaglaban ang babaeng iyong ninanais o susuko ka na lang kung sa nakikita mo ay wala ka na talagang pag-asa? Kuwento ko 'to kung paano ako nagmahal at nasaktan.