Yugto 25: Best Lalaki

2 2 0
                                    

Yugto 25: Best Lalaki

Dumating sa punto na nakauwi na ako, at nagdalawang isip ako sa pagtrato ko kay Rose Ann. Para bang napahiya ako sa puntong iyon na nakita ko silang magkasama ng ibang lalaki. Kaya naisip kong umiwas nalang kasi baka masaktan pa ako lalo. Pero hindi ko siya nagawang deretsuhin tungkol dun sa nakita ko.

Malagintong Mensahe:

Mga alas 8 ng gabi, may sinend ang isa naming tropa nina Henz. Uy! Maikling edited video na puro picture namin. Kaya pala siya nanghingi ng pic sa aming lahat kasi ayun naman pala, ginawan nya kami ng edited video.

So sinend ko kay Rose Ann ito, "Ganda ng gawa" batid ko. "Angas" reply nya. Tapos dagdag nya "Gawa ka rin". At sinabi ko "Of course para sa inyo (Abegail and Angela)". At dinagdag ko "Basta pinalaya na kita" at tinawanan niya ang chat kong iyon. Ngunit itong nireply niya ang naglakas sa akin. Medyo magpangiti ako sa sinambit niyang ito at hindi ko inakalang masasabi niya sa akin ito.

"Hahaha ikaw parin yung the best na naging kaibigan kong lalaki."

Natuwa ako at laking gulat ko talaga dahil di ko inaasahan na masasabi niya ito sa akin. Akala ko sa lahat ng mga tropa niya, nasa ilalim ako, mali pala, malaki pala ang ambag ko kay Rose Ann. Sana totoo ito.

Masaya diba pag sinabi sayo ito? Ngunit akala ko pagkatapos nun ay magiging masaya na ang lahat. Akala ko lang pala yun. Mapait pa pala yung bukas na kahaharapin ko.

Abangan pa sa ibang kabanata ang magiging kapalaran ko sa mga dadaan pang araw at buwan.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now