Yugto 42: Banal

3 0 0
                                    

Yugto 42: Banal

June 4, ito ang araw kung saan bumisita si bishop sa parokya namin. Medyo kinabahan lang ako ng konti dahil baka magkamali ako, pero sa tulong ng Diyos, alam kong magagawa ko ito ng tama.

"Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo"
—San Pablo sa mga taga Filipos (Filipos 4:13)

Nagulat din ako dahil pati si Mayora ay kasama dun. Kaya grabe talaga, tapos ang daming tao at ang daming kamera na nakatitig. Sa awa ng Diyos, nagawa ko naman, o nagawa namin ng maayos ang lahat. Nakapagpicture din ako kay sa kura paroko namin at maging kay bishop, pati kaming tatlo nina Lourdecel at ang isa naming churchmate ay nakapagpic din.

Ang Kahapon:

Bago pa man ang misa, nagkuwentuhan na kami ni Lourdecel pero panandalian lang sa Messenger.  Kahapon ay dumalo ako sa Got Talent ng Church namin, nagsimula na rin kami ng late, siguro mga 8 na ng gabi pero 6 ang call time. At siguro natapos sila bandang 11 na. Pero umuwi na ako pagdating ng 9:30 dahil sa magiging serve bukas. So pag-uwi lahat ng ito'y kinwento ko kay Lourd. First time lang siya nag "haha" react sa message ko.

Kinabukasan:

Ito na ang unang linggo kung saan full face to face classes na ulit. Medyo nakakapagod din dahil ako'y nagreview para sa exam kinabukasan. Mahirap ring maging grade 10 pagkat maraming requirements na hinihingi. Pero nanghihingi nalang ako ng gabay sa Panginoon na sana siya ang maging daan para malampasan ko ang lahat ng ito.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now