Yugto 2: Naloko!

26 2 0
                                    

Yugto 2: Naloko!

Tapos na yung flag ceremony pero di ko parin nakausap si crush. Hay buhay, bat ako nahihiya. Makikipagkaibigan lang naman ako.

Pumasok na ako sa loob ng room, pasulyap ko siyang tinitignan hahaha pero minsan nahahalata niya yun. Baka alam na niya na may feelings ako sa kanya. Tuwing lumalapit yung close friend ko sa kanya, sabay rin ako lumalapit at minsa'y tinutulungan ko sila pag nag-uusap sila patungkol sa mga gawain. Pagkatapos, tinanong ko ang kanyang section nung grade 7, ang sabi niya'y section Gold.

Uwian na, nagbell na kaya nagiimpake na 'ko ng gamit. Pinlano ko rin na samahan si crush na bumaba ng building kaso umatake nanaman yung pagkahiya ko kaya yung close friend ko lang nahatid ko. Sobra akong nanghihinayang nun ngunit wala rin akong magawa.

Pag-uwi kumuha ako ng tips sa internet kung paano lumapit sa crush. Nakakuha ako ng mga 7 tips at sinubukan ko sila.

Ay naalala ko may assignment pala ako sa math. Ayyy wait, magaling pala si crush sa math kaya nanghingi ako ng tulong sa kanya.

Lingid sa kanyang kaalaman na style ko rin yun para mapalapit sa kanya. Bawat reply niya kinikilig ako. She served as an inspiration. Tama kaya na siya ang hinangaan ko? Grabe, ang ganda na niya at ang bait pa.

If you liked this chapter, hit a vote!

Paano Umasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon