Yugto 6: Maputlang Pagkukulay

19 2 0
                                    

Yugto 6: Maputlang Pagkukulay

Unti unti akong nawalan ng gana sa kanya. Habang tumatagal ay parang walang nangyayari. Siguro nga, tanggapin ko na sa sarili ko na wala siyang pagnanais sakin at ayaw niya akong makasama. Siguro hindi siya yung babaeng karapat dapat para sa akin ngunit siya parin ang ipinaglalaban ko dahil baka sakaling magbago ang pinta ng araw.

NGL:

Noong panahong iyon, sikat ang tinatawag na "NGL" or Not Gonna Lie. Si crush ay gumagamit nun kaya hiningi ko sa isa kong kaibigang si Rose Ann ang kanyang pangalan doon. Sinendan ko siya ng kahit mga 2 NGL's at ang isa'y nireplyan niya dahil nakita ko ito sa kanyang my day sa Facebook. Ako'y kinilig dahil dun pero natitiyak ko na baka alam niya na ako ang nagpadala nun.

Makalipas ang ilang linggo, natuklasan ko na ang isa kong close friend sa ibang section ng aming skul ay nakakakilala sa kanya. Siya ay si Josh, isang mabait na mag-aaral. Batid niya na magkaklase sila nung grade 7 ngunit hindi niya maalala kung naaalala parin siya. Sinubukan ng close friend ko na i-chat siya at totoo nga, naaalala pa rin siya nito.

Sinabi ko sa kaibigan kong iyon na baka pwede niya akong i-mention sa kanya para malaman ko kung ano ang kanyang interpretasyon sa akin.

Maya maya, ipinakita ng aking kaibigan ang kanilang conversation at batid ni crush na hindi kami close.

"Par, bukas, kakausapin ko siya ulit tungkol naman sayo. Baka sakaling magbago ang ihip ng hangin." -batid ko

"Sige pero mag-uusap din kami. Papasok ako sa room niyo kapag recess time". -Josh

Pagsapit ng panibagong araw, hindi ko parin siya nakausap dahil may mali sa araw. Parang nadistorbo ako at wala siya sa mood para makipag-usap. Kahit si Rose Ann ay hindi niya makausap dahil mali ang napili naming araw't oras.

Walang kulay at maputla ang araw na iyon at abala kami sa aming exam.

Groupings:

Nagkaroon ang buong klase ng groupings sa Science at nagvolunteer ako na magleader. Una kong pinili ay si crush. Baka sakaling ito'y maging susi para maging close kami. Naging maganda naman ang aming pakikipagugnayan at sa wakas, na-unblock na ako. Panibago kayang pagkakataon ito para muling ibalik ang mga makukulay na ginugusto?

If you liked this chapter, hit a vote!

You may also recommend this to others......

Paano Umasa?Where stories live. Discover now