Yugto 34: Kaarawan

0 0 1
                                    

Yugto 34: Kaarawan

Dalawang araw nalang at kaarawan ko na, buti nalang at maayos na kami ulit ni Rose Ann. Akala ko mauudlot ulit ito.

Nung chinat niya ako, tinatanong niya kung anong oras at saan gaganapin? At sinabi ko an buong detalye maging kay Angela at Abegail.

Ang Kaarawan:

April 26, ako'y masayang pumasok sa classroom ngunit konti lang bumati sa akin. Kahit sina Rose Ann at Angela ay hindi ako nagawang batiin. Mamaya nalang siguro lalapit ako. Tapos late sina Henz at pagdating nila, ayun binati nila ako ng "Happy birthday".

Habang nasa discussion si guro, ang isa ko namang close na guro ay pinalabas ako sa classroom at binigyan ako ng regalo dahil birthday ko raw. Ako'y natuwa. Maging ang iba pang teachers na nagdiscuss sa klase ay nagulat nang malaman ng iba na birthday ko. Pero si Rose Ann, never akong binati nung andun ako pero bakit sina Angela at Abegail nabati naman ako? Ano kayang impluwensiya ang pinasok nina Sophie, Charles at ng iba para ganun na lamang siya?

Pag-uwi, sa chat ako binati ni Rose Ann ng happy birthday pati silang lahat at may message pa Hahahaha. And Angela created a "my day" on Facebook greeting me.

Masaya kaming nagkasama nina Rose Ann at Angela sa isang mall at nakatikim nanaman sila ng libre haha. Grabe sobra, sabi nila ngayon lang sila nakakain sa "Shakey's Restaurant" pero dahil treat ko naman kasi birthday ko kaya ang swerte nila.

Inikot din namin ang arcade at naglaro pa kani tapos kumanta ng karaoke. Ginawa rin namin ay inikot ang buong mall ng kami lang, pero minsan pag nasisilip ko messenger niya, naka-register pa rin ang pangalan ni Jamaes ngunit hinayaan ko lang. Bago maghiwalay, sabi ko "Bigyan niyo ako ng special message" at ayun pinarecord ko sa cellphone ko. Masaya ang araw na iyon at bago umalis, niyakap nila akong dalawa. Masarap sa pakiramdam.

Pag-uwi, send ng mga pictures para mag my day na. Super thankful sila.

Tapos, pinakita ko rin kina Henz at sa tropa ang pics namin s aming GC ngunit ang isa dun na itago natin sa pangalang "Zylo" ay nagreact kasi nga may jowa na raw ang tao tapos sumasama pa rin ako. "Bahala ka!" Reply ko sabay leave sa GC.

Para malihis isip ko dun, pinakinggan ko yung mga sinabi nina Rose Ann at Angela sa akin.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote!

Paano Umasa?Where stories live. Discover now