Yugto 30: Ang Bibliya

1 0 0
                                    

Yugto 30: Ang Bibliya

Sa mga late March, talagang lagapak ako at hindi ko kaya ang mga nakikita ko. Isang araw, nag-uusap sina Henz at ang tropa about sa "devotion". Born again ang kanilang relihiyon at naitanong ko naman ano yung devotion, sabi nila ang devotion ay ang pagbabasa ng bibliya tapos gagawa sila ng natutunan dun.

Naisip kong gawin ito, at naisipan ko magbasa ng bible total baka ito ang makatulong para mawala ako sa pagkabagsak at makabangon ako. Kaya nagpatulong ako sa kanila kung ano ang gagawin.

Sabi ni Henz na dapat unahin ko munang basahin ang "John". Hindi ko pa alam ang "John" pero sa bible ay isa itong libro. So ayun hinanap ko hanggang nabasa ko ito mula chapter 1 hanggang chapter 21 pero ako'y tinatamad pa noon sa pagbasa. Hanggang sa, ang isang church na malapit sa school namin ay  namigay ng mga "pocket bible" at nakakuha ako ng dalawa. That was March 28 na nagpasigla sa pagiging bible reader. Siguro yung bible na binigay sa akin ang nagpakumbinsi sa aking maging bible reader.

Ang Pagbabanta:

Bago pa ako maging "bible reader", chinat ko si Sophie para kamustahin ito pero sa di inaasahan, jowa nya ang sumagot. At pinagbantaan ako. Natakot ako ngunit hindi masabi sa magulang ko pero kinabukasan nasabi ko rin ito at nagalit sila. Kaya nagdesisyon sila na ireport namin sa barangay. Sinasabi ko rin ito kay Rose Ann kasi bulag ako sa pag-ibig sa kanya that time at andyan sina Henz para tulungan ako. Dumating din sa part na aksidente kong nasiraan sina Henz kay Rose Ann dahil di ko alam ang sinasabi ko noon kaya ayun nagalit sila sa akin. 

Sa pagbabasa ko ng bibliya, hanggang ngayon iginigiit ko na walang nagimpluwensiya o naghimok sa akin kundi, ito'y isang layunin ng Diyos kung saan pinukaw niya sa isip ko ito para sa kanyang magiging plano sa buhay ko. Para sa akin, sariling "discovery" lang ang pagiging bible reader ko tsaka dati pa, ay talagang nagreresearch na ako about sa kasaysayan ng bibliya.

Kung nagustuhan ang yugtong ito, hit a vote

Paano Umasa?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن