Chapter 7: Ceejay & Maica

32 5 5
                                    

CHAPTER 7

Ceejay & Maica

“Halos lahat ng nasa section ninyo, inilagay ko ang pangalan sa line-up. May training tayo tuwing hapon. Hindi tayo kasya sa journ room kaya hintayin ninyo na lang mag-announce ang editor-in-chief natin na si Ella na mag-send ng schedule each category.”

Nakapamewang ako habang nakikinig kay Ma’am Francheska, adviser namin sa school paper. Malapit na rin naman ang break kaya halos lahat naghahanda na sa paglabas sa room para pumuntang canteen.

“For the mean time, mag-issue muna kami ng I.D. ninyo para magsilbing pass ninyo dito sa school kahit wala kayong klase.”

Marahan akong tumango. Kahit naman hindi na ako magkaroon ng I.D., malaya akong nakakapagpabalik-balik sa loob ng campus dahil officer ako pero kailangan ko pa rin pumunta. 

“Saang category ka?”

Mabilis kong iginilid ang ulo ko nang marinig ang malalim na boses ni Ceejay sa tainga ko. Nakaawang ang bibig na lumingon ako sa kaniya. Ang seryoso ng mukha niya pero alam ko namang intensiyon niyamg gulatin ako. Hindi ko tuloy napigilang hampasin siya.

“Aray ko, ha.” Matabang niyang sabi.

Inirapan ko siya. Halata namang hindi siya nasaktan sa hampas ko. Hindi naman malakas 'yon! 

“Ano ngang category mo?”

“Individual. Filipino. Editorial Writing. Ikaw?”

Mayabang siyang tumingin sa akin. “Individiual. English. Sports Writing.”

Sinamaan ko siya ng tingin nang ginaya niya ang paraan at tono ng pagsagot ko. May karapatan naman siyang magyabang. Nabalitaan ko namang, nakasama siya sa Top 10 ng DSPC noong isang taon. Nag-compete siya sa RSPC at malaking achievement na iyon.

Kung titingnan, mukhang walang ibubuga si Ceejay. Mukha kasi siyang tahimik at palaging mukhang tanga pero halimaw naman sa academics at extra-curricular activities.

“Tara na, Bunsay!”

Sabay kaming napalingon ni Ceejay kay Sonny. Dala niya na ang output ng groupmates niya sa T.L.E. Oo nga pala. Leader din ako roon. Hindi ko pa napapasa!

“Bakit mo kasi ako dinaldal?” Nataranta ako sa pagkolekta ng mga output ng ka-group ko habang tatawa-tawa naman siya sa gilid ko habang sumusunod sa akin. Kung hindi lang ako abala, baka nasapak ko na siya.

Nang malikom ko na lahat, lumapit na agad ako kay Sonny. Lumabas na kami, ganoon din si Ceejay pero kumunot ang noo ko nang makitang sumunod siya sa amin.

“Umalis ka na nga at mag-break. Bakit sumunod ka pa?” 

“Assuming…” Tumaas ang mga kilay ni Ceejay at nakalolokong tumawa. Umalis siya sa gilid ko at lumipat sa gilid ni Sonny. “Si Sonny, sinusundan ko kasi siya ang kasabay ko. May baon kami ngayon.”

“Buwisit…”






“INDIVIDUAL CATEGORY, editorial writers saka… feature writers, akyat na raw sa journ room.”

Dahan-dahan akong umakyat dala ang gamit ko. Papasok na ako sa makitid na pasilyo nang makasalubong ko ang ilang mga kaklase kong nasa labas ng office. ’Yong iba, abala na sa pagsusulat.

Pagpasok ko sa office, medyo masikip na dahil nandoon na ang mga senior writers at mentors, idagdag pa ang gamit na ginagamit sa broadcasting.

Upo muna kayo d’yan. Dahil masikip, sa dulo na lang lang ako pumunta. Uupo na sana ako sa monoblock nang makita ko si Ceejay. Nasa pinakasulok siya ng office kaya hindi ko siya nakita nang pumasok ako. 

My Happy Crushحيث تعيش القصص. اكتشف الآن