Chapter 18: Comfort

17 2 0
                                    


CHAPTER 18

Comfort

Kung hindi lang ako grade concious, hindi ako papasok. Hindi nga ako nakapag-reply kay Ceejay kagabi, ang makaharap at makausap pa kaya siya? Ayaw kong i-entertain ang mga tumatakbo sa isip ko pero bakit ganito? Bakit parang may laman lahat ng mga sinabi niya sa akin?

"Bunsay..." Kinulbit ako ni Samara. "Maaga pumasok si Sanford."

Saglit lang akong tumunghay sa pintuan pero pagktapos niyon, natulala na lang ulit ako. Kahit nang makaupo si Sanford sa harap ko, deadma lang. Hindi ko magawang isipin man lang na naiilang din siya sa presensiya ko. Walang ibang gumulo ng isip ko nang oras na iyon kundi si Ceejay lamang.

"Good morning, Jessa Mae."

Hind lang ako bahagyang napatalon sa upuan ko, pati na rin yata ang puso ko. Tumunghay ako kay Ceejay na nakangiti sa akin. Umupo siya sa tabi ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

"Hindi ka nag-reply..."

Umawang ang bibig ko at lumingon sa kaniya. "Nakatulog ako."

Mahina siyang tumawa. "Ng hapon?"

Tumikhim ako at inirapan siya. "Bakit? Masama? Pagod ako, e."

Para na naman kaming tangang bumubulong dalawa sa isa't-isa. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng pagka-ilang ko sa kaniya, nandito ang kapanatagang kaya niyang idulot sa akin.

"Bakit parang ang init ng ulo mo, JM? Masama ba ang gising mo? Siguro..."

"Siguro ano?"

"Hindi mo naka-late night talks si Sanford," nang-aasar niyang sabi.

Sa pagkakataong iyon, nawala ang mga agam-agam ko. Nawala sa isip ko ang posibilidad na nasaktan ko siya. Nang makita ko ang ngiti niya sa mga labi, ang nanunukso niyang tono at mga naaaliw na mga mata, alam kong nasa akin ang suporta niya sa mga bagay na gusto kong gawin.

"Hindi na kita crush," diretso kong sabi sa kaniya.

Tipid siyang ngumiti at marahang tumango. "Alam ko kaya... sa susunod, huwag mo na akong tingnan nang ganyan. Hindi na para sa akin ang tinging 'yan, Jessa Mae."

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Paano ba ako tumingin?"

Tumaas ang mga kilay niya at nginuso ang mga mata ko. "Na parang... gusto mo pa rin ako."

Nang tumawa siya, tumawa na lang din ako. Ngayong alam na namin sa isa't-isang wala na akong pagtingin, normal na niya akong nakakausap ng walang alalahanin. Tinawanan niya na lang ang damdamglpin ko sa kaniya noon.

••••••

Malalim ang nahugot kong buntong-hininga. Kahapon pang walang laman ang mga sikmura naming magkakapatid. Sabi ni Mama, bago siya umalis kaninang umaga, mabilis lang siya para kunin ang padala ni Papa. Madaling-madali pa siya kanina para raw makabili na siya ng pagkain namin. Ang kaso, alas diyes nang gabi, wala pa rin siya.

Tiningnan ko ang mga kapatid kong nanonood ng T.V. Hindi pa kami naglalatag ng foam dahil hinihintay pa namin si Mama. Matamlay ang mga mukha nila at halata na ang gutom pero wala akong narinig na reklamo mula sa kanila. Sanay na kami. Ilang beses na itong nangyari kaya napilitan kaming masanay.

"Ate, tulog na tayo. Anong oras na, oh? Wala pa si Mama."

"Sige, latag na kayo..."

Tiningnan ko lang sila habang naglalatag. Minsan, inaabot si Mama ng madaling araw sa pag-uwi. Hindi na namin kailangang magtanong. Alam naming kapag may pera siya, sa bingo center lang siya napapadpad.

My Happy CrushWhere stories live. Discover now