Chapter 21: Happy Birthday

21 2 0
                                    


CHAPTER 21

Happy Birthday

Kapag may mga napapanood ako sa telebisyon na feature na may scope tungkol sa buhay OFW o hindi kaya ang pagsurpresa ng pamilya sa mga mahal nila sa buhay na nasa abroad, naantig ang puso ko. Binabalot ng saya, awa at pag-aalala ang dibdib ko sa mga ganoong istorya pero hindi sa pagkakataong ito.

"Uuwi na papa n'yo. Umayos kayo, ah? Kapag tinanong kung bakit wala tayong napundar na gamit, sabihin ninyo, kasi hinuhulugan natin 'tong bahay na 'to."

Hindi totoo iyon.

Walang totoo sa sinabi ni Mama sa aming magkakapatid. Nangungupahan pa rin kami. Ni wala kaming flat screen TV na maaaring indikasiyong may kapamilya kaming nasa abroad. Kung anong sitwasyong kinasadlakan namin nang napunta kami sa pusod ng Maynila, ganoon pa rin hanggang ngayon—mas lumala pa nga yata.

Nang nakaaalis na si Mama para sunduin si Papa sa airport, hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Ayaw ko lang na... tanungin ako ni Papa sa mga bagay na pinagsinungalingan ni Mama sa kaniya. Hindi man ako ang puno't dahilan, alam kong ang pananatili kong tikom ang bibig ay isa nang paraan para masaktan ko ang damdamin ng tatay namin.

Ella: Kinuha ko na ang magtuturo sa atin ng cheerdance. Ten pesos ang bayad every practice.

Bumuntong-hininga ako at napapikit. Hindi ko alam kung saang kamay ako ng Diyos kukuha ng pera sa mga gagastusin ko sa mga gawain sa school. Pamasahe pa nga lang, hindi na ako magkaroon sa araw-araw. Hindi naman ako puwedeng umayaw dahil iyon na ang pinaka-project namin sa P.E.

Ceejay: Kumusta?

Tipid akong napangiti sa chat sa akin ni Ceejay. "Miss na siguro ako nito."

Pinili ko na lang hindi mag-reply. Hindi rin naman hahaba ang usapan namin dahil kay Mama ang cellphone. Inayos ko na lang ulit ang paglilinis at pinatas na nang maayos ang mga laman ng balik-bayang box nauna pa kay Papa.

"Ate, paano 'tong mga natapunan ng mantika?"

Kumuha ako ng isang kahon at inilagay ang ibang damit doong nabasa ng mantika. "Dito na lang. Baka puwede pa 'yan kapag nilabhan ko."

Ginawa nila ang utos ko. Nasa kalahati pa lang kami, sumasakit na ang ulo ko. Sa liit ng bahay at laki ng balik-bayan box, hindi ko na alam kung saan pa ilalagay ang mga pinadala ni Papa. Iyong iba, natapon pa nga at ang iba naman, expired na. Sa mga chocolate naman, tunaw na. Wala pa naman kaming ref.

Nang natapos ang gawain, nakatulog agad ako dahil sa pagod. Naalimpungatan na lang ako nang narinig ko ang pagdating ni Papa. Bahagya akong bumangon. Hindi ko alam kung bakit nang nakita ko siya, ni hindi man lang ako kumilos para yakapin siya. Maging ang mga kapatid ko, ganoon din. Nakatitig lang sila kay Papa at naninibagong nasa harap namin siya.

"Yakapin n'yo papa n'yo."

Walang nagawa ang mga kapatid I kundi sundin ang utos ni Mama. Alam ko namang miss na kami ni Papa. Para sa isang OFW, mahirap mawalay sa pamilya. Alam ko ang parteng iyon pero bakit hindi ko mahanap sa puso ko ang pangungulila? Bakit mas nangibabaw ang takot sa aking mangamusta siya at magtanong pa?

••••••

"Naibalik ko na ba 'yong glue mo sak gunting?"

Nang umiling si Ceejay sa akin, alam kong malaki na ang kasalanan ko s kaniya. Muli kong hinanap sa magulong lamesa namin ang gamit niyang hiniram ko pero wala akong makita. Hindi ko matandaan kung saan ko nailagay ang mga iyon.

"Sure ka bang hindi mo pa nakuha?" tanong ko pa ulit sa kaniya.

"Hindi nga..."

Nagsimula na akong mataranta. Nang tingnan ko siya, mukha siyang bad mood. Napanguso ako. Palagi naman. Simula nang bumalik kami mula sa maikling bakasyon, palagi na siyang mukhang inis sa akin. Wala pa man akong ginagawa, para na agad siyang high blood.

Gayunpaman, kapag may kailangan ako, agad niyang ibinibigay. Tinuturuan niya pa rin ako sa Math. At ngayon nga, pinahiram niya ako ng art materials na naiwala ko pa nga.

Kilala ko si Ceejay. Alam ko kung gaano siya kaalaga at kaingat sa gamit. Mas organized pa nga ang bag niya compare sa akin.

Hindi ko napansing nawala dahil bukod sa paggawa ng output, abala rin ako sa pagbebenta ng paninda kong gummy worms at graham balls. Kailangan kong kumita para may maipangbayad araw-araw sa nagtuturo sa amin sa cheerdance.

"Hanapin mo 'yon..."

Gusto kong maiyak. Hindi pa nakatulong ang tonong nangongonsensiya ni Ceejay. Hindi ko naman sinadyang mawala ang art materials.

"Oh, anong problema mo?" tanong sa akin ni Samara.

Mabilis akong tumunghay sa kaniya. "Nakit mo ba 'yong gjnagamit kong glue at guntong kanina?"

"Ha?" Kumunot ang noo ni Samara. "Sa'yo ba 'yon? Akala ko kay Ceejay. 'Di ba, kinuha niya kanina? Nakita kong tinago niya na sa bag niya."

Masama akong tumingin kay Ceejay. Mabilis namang umiwas ng tingin ang buwisit at halos masamid na sa laway sa pagtikhim. Padabog kong niligpit ang mga gamit ko.

"Nakakainis ka, alam mo 'yon?"

"Tine-testing lang kita. Pinabayaan mo... nawala tuloy sa'yo."

Hindi na lang ako sumagot. Hindi ko pinabayaan iyon! Kinuna niya lang talaga kaya akala ko, nawala.

"Galit ka?"

Napairap ako. "Sa tingin mo?"

Pigil ang ngiting lumingon sa akin si Ceejay. "Galit din ako."

Tumaas ang isang kilay ko. "At bakit?"

"Dahil pinabayaan mo..."

"Hindi nga!"

Natahimik kaming saglit dahil doon. Hindi ko alam kung bakit kami nag-aaway sa maliit na dahilan. Buwisit lang talaga ako sa ginawa niya. Para na akong tangang naghahanap, nasa kaniya lang naman pala.

"Anong trip mo? Noong pasukan ka pa, ah?"

Isang sulyap niya sa akin, alam niya na agad ang tinutukoy ko. Aba, dapat lang! Siya itong parang may regla, unang linggo pa lang ng taon.

"Hindi ka nag-reply. Busy?"

Tumango ako. Busy naman talaga ako. Busy ako kung paano iiwas sa mga tanong ni Papa hanggang sa makabalik siya sa Saudi. Sa amin siya nagdiwang ng Bagong Taon. Isa pa, ang dapat isang buwang pahinga niya rito sa Pilipinas, ginugol niya lang ulit sa trabaho dahil nga wala naman kaming ipon at wala na kaming makain.

"Hindi mo ako binati..."

"E 'di, happy holidays. Happy new year."

"Happy birthday." Parang bata akong nagkamali ng bigkas kung itama niya.

"A-ano?"

"Birthday ko last... December 25." Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

Napatitig ako sa ngiti niya. Alam ko naman iyon pero sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na naalala pa. Para tuloy may sumipang guilty sa dibdib ko. Sana nabati ko man lang siya. Naging crush ko na siya at lahat, hindi ko man lang naalala.

"Happy birthday..."

Tumawa siya. "Lagpas na."

Napairap ako. "E 'di, for next year!"

Patuloy siyang tumawa dahil sa singhal ko. Baliw na lalaki siya. Pinaalala niyang birthday niya pero ayaw magpabati.

Ilang sandali pa, may bumili sa akin ng graham balls kaya sa iba nabaling pansamantala ang atensiyon ko. Nang nakaalis na ang isa naming kaklase, tinago ko na ang mga gamit ko. Nakaharap ako sa bag ko pero kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig sa akin ni Ceejay.

"Jessa Mae..."

"Ano na naman?!" Tinago ko sa kunwaring pagkairita ang naramdaman kong pagkapahiya.

Umiwas si Ceejay ng tingin kaya malaya ko siyang napagmasdan. "Gusto ko ng marami pang happy birthday mula sa'yo... sa mga susunod pang taon."

My Happy CrushWhere stories live. Discover now