Chapter 30: AkosiCaptain

33 1 0
                                    

This is the the last part of this story. Thank you and you made it to the end. I know most of you want an ideal love story, with proper end game, but I am not sorry for doing this craft because this story has a special place to my heart. I hope you learned something from Jessa Mae's journey.

CHAPTER 30

AkosiCaptain

"Jessa Mae, ano ba? Buntis ka na ba at naglilihi ka sa fried chicken ng fast food restaurants."

Napairap ako sa sinabi ni Arthur. Minsan na nga lang akong samahan, ang dami pang kuda. Gusto ko lang naman kasi ng simpleng meal. Isa pa, 'yong fast food restaurant lang ang pinakamalapit kung saan gaganapin ang book signing event ng last book ko.

"Anong buntis? Wala nga akong boyfriend. Saka virgin pa ako, 'no?" mariing bulong ko sa kaniya.

Nang-aasar na tumawa lang sa akin si Arthur habang papasok kami sa loob. Pinaghanap ko siya ng upuan at nag-order na lang din ng para sa kaniya. Sure naman akong kakain siya kahit ayaw niya.

Pagkatapos kong mag-order, tinulugan ako ng isang crew dalhin ang mga pagkain sa table namin ni Arthur. Agad kong siniko ang kaibigan kong haliparot nang nakita ang lagkit ng tingin sa binatang crew.

"Ano ba?" naiiritang tanong niya sa akin nang nakaalis na sa gilid namin ang crew.

"Ang harot mo. Kumain ka na nga lang."

"Maharot ka rin. Ilalabas ko 'yang harot mo. You promised, after the event, sasama ka sa bar hopping."

"Yeah..."

Kumain na kami. May isang oras pa ang call time before the event kaya okay lang na kumain muna sa labas. After naming kumain, sumakay na kami sa sasakyan ni Arthur. Napangiti ako nang buksan niya ang bintana para sa akin. Alam niyang hindi ako makatagal sa aircon ng sasakyan.

"Thank you."

"Of course, maarte ka!"

Mahina akong tumawa at tinanaw na lang ang labas. Papunta na kami sa event place. Iyon na ang magiging last book signing event ko dahil iyon na rin naman ang last kong sinulat.

Hindi ko alam kung babalik pa ako sa pagsusulat. Basta ang alam ko lang, gusto ko munang magpahinga. Isa pa, naubos yata ang tapang ko nang sinulat ko ang huling akda ko. Nasariwa sa akin muli lahat ng alaala.

Ilang sandali pa, naging traffic na sa kalsada. Idagdag pa ang mga taong lumalabas sa harap ng simbahan. Napatingin ako roon dahil sa ingay. Sa mga oras na iyon, nasumpungan ko ang pamilyar na mukha, pamilyar na pakiramdam pero hindi pamilyar na pagkakataon. Si Cedrick, nakasuot ng tuxedo na puti, may ngiti sa labi habang palabas mula sa loob ng simbahan kasama ang kaniyang bride.

Umiwas ako ng tingin. Ang tagal na panahon na iyon. Siya ang pinakahuling lalaking ini-entertain ko. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Umasa siya na may patutunguhan kami.

Sabi ko noon, aayusin ko lang ang sarili ko at babalikan ko si Cedrick. Ang kaso, sa paghahanap sa sarili ko, alam kong hindi rin maganda ang naging simula namin. Inisip ko lang noon ang nararamdaman ko at hindi ang kaniya. Kaya hindi na rin ako umasa na kapag ako naman ang kumilos para sa aming dalawa, magiging kami pa.

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Arthur.

"Yeah..."

Hindi ko alam pero may naramdaman akong nakatitig sa akin. Wala sa sariling napatingin ako muli sa direksiyong iyon. Kitang-kita ko, nakita ako ni Cedrick pero... no regrets, 'di ba? Kung nasaan kami ngayon, bunga 'yon ng mas mabuting desisyon namin noon kahit masakit pa ang lahat ng iyon.

Binigyan ko siya ng isang ngiti—isang matamis na ngiti. Gusto kong iparating sa kaniyang masaya na ako. Gusto kong sabihin sa kaniyang matagal na akong tapos sa hang ups ko sa buhay. Gusto kong malaman niyang masaya ako kahit hindi naging kami.

Parang hinaplos ang puso ko nang ngumiti siya. Gusto ko iyon. Gusto ko ang ngiti ng isang kabigan.

"BAKIT FIVE HUNDRED COPIES lang po ang ni-release ng publishing house, Miss Maria Ligaya? Wala na po ba kayong balak mag-publish ulit lalo pa at bestselling po ang book na ito."

Inasahan ko na ang tanong na iyon. Sa social media pa lang, marami nang nangungulit sa akin. Kaya lang, gusto kong limitahan iyon. Masyadong espesiyal sa akin ang huling akda ko.

Marahan kong kinuha ang microphone. "As you can see, "My Happy Crush" has a special place to my heart. For all we know, this is my last story. I want this to be rare. I want this story to be special... and limited but with full of emotions. Gusto kong makita ng mga taong nakabili ng book na 'yon, na ang hawak nila, nag-iisa na 'yon, hindi na nila puwedeng palitan. Ang bagay na katulad niyon, dapat alagaan para walang regrets at walang panghihinayang. Katulad ng pagpapahalaga ko sa taong naging inspiration ko para isulat iyon."

"You mean, this... Ceejay? The only person in your dedication?" tanong ng interviewer. "So, he is your happy crush!"

Tumango ako. "Yes..."

"Nasaan na po siya ngayon, Miss Maria Ligaya?"

Napangiti ako. "Let's say... he's in a good place."

Alam kong naintindihan nila iyon. Sa mga nakabasa ng kuwento, alam na siguro din nila iyon. Napangiti ako. Bago ang event, dumaan muna ako sa sementeryo para bisitahin si Ceejay. Hindi ko alam kung bakit ang tagal bago ko nagawang bumisita. Ang alam ko lang, pinakawalan ko na lahat ng pagsisisi.

Magaan na ang loob ko pag-usapan ang tungkol sa pagkawala ni Ceejay. Kumawala na ako sa mga alaala niya pero nandito pa rin naman siya sa puso ko. Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya. At least ngayon, kung may makilala man akong bago, kung may muling magpatibok ng puso ko, handa na ako. Hindi na ako magdadalawang-isip pa.

"PUMUNTA KA NA lang dito sa parking lot, Jessa Mae."

Napairap ako sa sinabi ni Arthur sa kabilang linya. Puwede naman akong mag-taxi na lang. Gusto niya lang talagang ipagmaneho ako para sure akong sisipot sa usapan namin mamaya. Palibhasa, on leave kaya ang daming oras.

Kasasakay ko lang ng elevator. Sumandal ako roon. Magsasara na sana ang pinto pero may brasong biglang humarang at ang kamay ay may hawak na isang sunflower. Napasinghap ako sa kilos na iyon.

Nang tuluyang bumukas ang pinto ng elevator, para yatang may binabang anak si Adonis. Sobrang guwapo ng tisoy na lalaking nasa harap ko. Para akong nakahrap sa isang artista. Kahit hinihingal at pawisan na, guwapo pa rin.

Napalunok siya at umayos ng tayo. "Papasok ako."

Marahan akong tumango at bahagyang tumabi sa gilid. Nang sumarado ang pinto, dumaplis ang tingin ko sa hawak niyang sunflower. Napanguso ako nang may maalala. Kung kailan last event ko na, saka naman hindi siya nagpadala ng sunflowers.

"H-hi..."

Tumunghay ako sa lalaking nasa tabi ko. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng mga kilay ko nang namula ang mukha niya pati na rin mga tainga. Namangha tuloy ako sa kaniya. Ganyang kaguwapo, mamumula lang dahil sa tingin ko?! Imposible!

Napatingin ako sa kaniya nang aligaga siyang naghalughog sa bag niya. Nahulog pa nga ang isang tangkay ng sunflower na hawak niya sa sahig.

Pinulot ko iyon at agad na inabot iyon sa kaniya. "Nahulog mo."

Tiningnan niya muna ang bulaklak bago nagtagal sa akin. "Sa'yo... 'yan."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

Inilabas niya ang libro, ang "My Happy Crush" na huling libro ko. Ang ewan lang sa feeling na lalaking ganito kaguwapo at kalalaking-lalaki ang may hawak ng libro ko.

"Can you... uh give me an autograph, please? I'm your... f-fan. Hindi lang ako nakaabot dahil sa... f-flight, my work."

Flight? Work? Sunflower. Sandali. Bakit parang pamilyar sa akin lahat?

Kinuha ko ang libro sa kaniya. Kumuha ako ng pen at pinirmahan iyon. Naglagay din ako ng maiksing note sa likod.

"Anong name ilalagay ko?" tanong ko habang nasa papel ang paningin.

Kasabay niyon ang pagtunog ng elevator, hudyat na nasa tamang palapag na ako. Nang hindi siya sumagot, tumumunghay ako sa kaniya. Akala ko pinto lang ng elevator ang magbubukas, iyon pala, pati puso ko, magbubukas sa panibagong pag-ibig na nakaabang para sa akin.

"AkosiCaptain...

My Happy CrushWhere stories live. Discover now