Chapter 11: Sunsets

19 2 0
                                    

CHAPTER 11

Sunsets 

Inasahan ko rin naman pero nagulat pa rin ako nang ako ang mapili para maging isa sa representatives ng school namin para sa interpratibong pagbasa. Hindi ko na tuloy alam kung paano pa pagkakasyahin ang oras ko. Minsan nga, excuse pa ako sa ibang klase ko. Hindi ko alam kung paano pagsasabayin ang pagiging estudyante, pagiging officer, ang training sa journalism at ang pag-eensayo ko para sa competition. 

“So, kayo ang napili.” Tumingin sa akin ang mentor namin. “Kung ganoon, si Bunsay lang pala ang natira sa inyong may experience na last year. May mga nasalihan na ba kayo na may kinalaman sa public speaking.”

Umiling ang tatlo kong kasama. Hindi na sila ang mga dati kong kasama. Hindi ko alam kung bakit hindi na napili ang mga iyon. Sabagay, minadali rin naman noong isang taon ang paghahanap ng representatives kaya hindi nasala nang mabuti at hindi nakitang may mas magaling pa. Si Lance para sa Grade 7, si Angela para sa Grade 8, si Chanty para sa Grade 9 at ako naman para sa Grade 10 ang lalahok. Mag-work kami as a team sa competition kahit pa magkakaiba ang grade level namin.

Pinabasa kami ng ilang piyesa. Magaling sila, walang duda. Iyon nga lang kapag sama-sama na kami, parang palaging may umaangat na boses, may umaangat na emosyon, bagay na hindi dapat makita kung magtatanghal bilang isang grupo.

“Sandali,” senyas ng mentor namin. “Maganda ang deliver ninyo kapag part ninyo pero kapag sabay-sabay na, masakit na sa tainga. Remember, on the spot ’yong piyesa. Bibigyan lang kayo ng ten minutes para pag-aralan ’yon kaya dapat maging matalino kayo kung paano ninyo gagamitin ang oras ninyo.”

Tumango kami. Sa totoo lang, may naisip akong strategies. Nahiya lang akong mag-comment. Ayaw kong magmarunong.

“Jessa Mae…”

Tumingala ako mula sa pagbabasa ng piyesang sunod kong babasahin. “Bakit po, ma’am?”

“May experience ka na last year. May suggestion ka ba?”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago bumuntong-hininga. “Yes po, at… marami po kaming nagawang mali kaya roon po ako mas nag-focus ngayon. Ah… dati, nag-focus po kami sa emosyong kayang i-deliver ng bawat isa. Kaya nang nag-assign na po kami ng mga lines namin, kaniya-kaniya ang nangyari.”

Tumango-tango si ma’am. “So, iyon pala ang sinasabi ng isang kasama mong isang stanza lang ang nabigay sa’yo.”

Tumango ako. Last year, hindi ako nakipag-agawan. Hinayaan ko na lang sila at kung anong matira sa akin, iyon na lang ang kinuha ko. Isang stanza lang iyon pero buong-buo ang emosyon ko. Five minutes lang dapat naming i-perform ang mahabang piyesa kaya pressure din kami nang mga panahong iyon.

“Kaya… naisip ko pong… kahit wala pang piyesa, mag-arrange na po ng pagkakasunod-sunod. Kunwari, sa lahat po ng piyesang mapapatapat sa amin, si Lance sa unang stanza, sa second si Angela, sa third si Chanty at ako naman sa fourth. Kung maraming stanza, magpapa-ulit-ulit lang ang arrangements.”

“Paano ’yon, ate?” tanong nu Chanty. “For instance, ikaw, mas magaling ka ss emotional piece, sayang naman kung sa amin mapapatapat ’yon.”

Napangiti ako. “Magaling naman kayo, e. Kaya n’yo ’yon. Isa pa, on the spot, wala tayong ideya sa klase ng piyesang ibibigay sa atin kaya dapat tayong maging flexible, talumpati, tula o declamation man ang ibigay sa atin.”

Tinanggap nila ang suggestions ko. Gumuhit ulit ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko, may nagawa akong tama nang araw na iyon. Nag-isip pa kami ng rehearse na pagkilos at mga position namin na kayang umakma kahit ano pang klase ng piyesa ang mapatapat.

My Happy CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon