Chapter 13: Group Chat Confession

29 2 0
                                    

CHAPTER 13

Group Chat Confession

Alam kong ang natuklasan kong damdamin para kay Ceejay mawawala rin. Hindi na bago sa akin iyon kaya nga madali kong napangalanan. Kung nahirapan man ako nang una alamin, siguro ay dahil natakpan iyon ng inis ko sa kaniya noong unang beses ko siyang makita.

“Wait, ’te.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tumunog na ang bell. Sa oras na ’to, siguradong paakyat na ang adviser nina Lacey at Wency. Kung hindi ko lang talaga kailangang magpaayos ng buhok para sa competition, hindi naman ako pupunta rito sa room nila. Kailangang naka-bun ang buhok namin para maging neat at pare-pareho kami nina Chanty at Angela. Ayaw ko namang magpaayos sa room dahil kahit kasama ko na araw-araw ang mga kaklase ko, wala pa rin akong ka-close. 

“Oh, sino ’yan?”

Sinabi ko na nga ba!

Tumawa ang mga kaklase nina Wency at Lacey. Sa dalas ko sa room nila, kilala na ako ng buong klase at ng adviser nila. Wala namang kaso kung naabutan ako. Iyon nga lang, talagang hinintay nilang matapos akong ayusan bago magsimula ng klase.

“A-ah, sige po, sir. Sorry at salamat po.” Lumingon ako kina Wency at Lacey. “Salamat din, mga ’te.”

“Good luck!”

“Galingan mo, ah. Para naman worth it ang pag-aayos ng mga estudyante ko sa’yo,” pahabol pa ni sir. Mas lalo tuloy akong na-pressure.

Tumango na lang ako at muling nagpasalamat. Payuko akong dumaan sa harap bago pa nakalabas. Napapikit ako sa sobrang hiya. Kahit saan ko talaga dinadala ang kapal ng mukha ko.

Pumunta na ako sa Filipino department. Nandoon na ang mga kasama ko. Hindi na ako dumaan sa room dahil wala naman akong gagawin doon. Akala ko lang, hindi ko makikita ang mga kaklase ko bago umalis pero kami mismo ang pinaabot ng mentor namin sa excuse letter namin.

Huminga muna ako nang malalim bago nag-excuse sa loob. “E-excuse po, sir.”

Lumingon sa akin ang adviser ko, maging ang mga kaklase ko. Dahan-dahan akong pumasok at inabot ang excuse letter. 

“Ah may dayo ka?” tanong ni sir.

“Yes po.” 

Pinirmahan niya iyon at binigay sa secretary. “Sige. Good luck.”

Napangiti ako. “Salamat po.”

“Ang fresh naman ni Bunsay, ganda…”

“Ha?” Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sinabi ni Nica. Ngayon lang siguro nila ako nakitang naka-bun dahil madalas talaga akong nakalugay.

“Ceejay, isang good luck naman d’yan kay Bunsay.”

Rinig iyon ng buong klase kaya nagtawanan sila. Itinikom ko ang bibig ko. Alam ko namang inaasar lang kami pero hindi ko maiwasang maapektuhan. Parang may space sa tiyan ko lalo nang batiin at ngitian ako ni Ceejay.

“Good morning.” Gumuhit ang nakalolokong ngiti sa mga labi niya. Good luck sa’yo, JM.”

Umirit ang mga kaklase ko. Pati adviser ko, alam na kami ang inaasar sa room. Huminga ako nang malalim bago umalis sa room. Tahimik lang ako pero gusto ko rin sumama sa pag-irit. Gusto ko rin sumama sa kanilang mga ngiti dahil higit sa aming lahat, alam kong mas ako ang kinikilig.

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. “G-grabe na ’to…”



NAGSIMULA na ang program at sa dami ng nag-speech, unti-unting nawala ang kaba ko. Nasa school na kami kung saan gaganapin ang competition. Kahit maliit, maganda at maaliwalas naman. Iyon nga lang, medyo malayo dahil sumakay pa kami ng tricycle papasok dahil masyadong liblib ang lugar. 

My Happy CrushOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz