Chapter 9: Magaling Ka

31 4 5
                                    

CHAPTER 9 

Magaling Ka

Simula nang sabihin sa akin iyon ni Ceejay, alam kong sa mga sandaling iyong masarap siyang maging kaibigan. Hindi lang siguro makita dahil akala ng iba, weird siya. Sa lahat ng kaklase ko sa section na ito, hindi ko inasahang siya pa ang lalapit at maglalalahad ng panyo sa akin.

“Ceejay, ayusin mo naman! Galing mo kanina sa iba pero kapag si Bunsay, nasasalo ang mga bato mo, oh!” sigaw ni Kenneth.

Sinalo muli ni Ceejay ang isang bolang gawa sa papel na binalot sa packaging tape. Tumitig muna siya sa akin bago umayos ng pagtayo. “Sorry, distracted…”

Biglang nagtilian ang mga kaklase namin dahil sa sinabing iyon ni Ceejay. Parang nakaraan lang, kay Maica siya inaasar pero ngayon sa akin na. 

Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi ng buwisit na ’to? 

Bakit siya magiging distracted sa akin? Hindi naman ako matinding kalaban. Sa mga nauna sa akin, walang makasalo dahil labis siyang makabato, may natatamaan pa nga pero pagdating sa akin, ang hina ng bato niya, sakto lang para masalo ko. 

Ano bang akala niya sa akin? Mahina? Kaya ba hindi niya ako sineseryoso sa laro kasi ang alam niya, iyakin ako.

“Seryosohin mo nga ako!” sigaw ko sa kaniya na umalingawngaw sa buong court.

Mas lalong nagtilian ang mga kaklase ko. Pati P.E. teacher namin, sumama na sa panunukso sa amin. Napapikit ako. Gusto kong maiyak sa kahihiyan. Ano ba ’yong sinabi ko? 

Naiinis kong tiningnan si Ceejay. Nakuha niya pa talagang magpigil ng ngiti. May pitik talaga siya sa akin mamaya.

Pagkatapos ng laro, hingal na hingal kami. Mabuti na lang, break time na after class. Pumunta akong banyo para magpalit ng org shirt bago pumunta sa canteen. Bumili ako ng sandwich at mineral water. May pera naman ako dahil kasasahod lang ni Papa. Pagkabalik ko sa room, agad kong naabutan si Ceejay na kumakain ng baon niyang kanin. Padabog akong umupo sa harap niya pero ang mga kaklase ko, iyon at binigyan na naman ang meaning.

“Huwag n’yong dalhin ang LQ n’yo dito. Respeto, guys!”

Nagtawanan sila. Hindi ko na lang pinansin. Hindi naman kasi totoo. 

“Ang sama mo naman tumingin.” Nginuya nang maayos ni Ceejay ang kinakain. “Baka hindi ako matunawan.”

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Buwisit ka talaga.”

Nanlaki ang medyo singkit niyang mga mata. “Ako, buwisit? Inaano kita?”

Napairap ako. “Sige lang, magmaang-maangan ka pa.”

Mahina siyang tumawa at nagpatuloy na lang sa pagkain. Bumuntong-hininga ako bago kunin ang sandwich at kainin iyon. Kahit naiinis ako kay Ceejay, kahit papaano, naging magana naman ako sa pagkain nang mga oras na iyon. 

Pagkatapos ng breaktime, nagkaroon pa kami ng sunod-sunod na class. Tipikal na daloy lang ng araw-araw sa school ang nangyari sa akin, aral, duty at training sa journ room pero may nalihis sa araw na iyon.

“Criticize each other’s work, para malaman ninyo kung ano pang dapat ninyong i-improve,” anunsiyo ni Ma’am Francheska. “Pero syempre, ka-same category ninyo ang i-assess ninyo, iba lang ang language.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nahihiya akong ipakita ang gawa ko lalo pa at si Lisa sa English ng editorial writing. Talino niya, e! Siguradong babalik sa akin ang papel kong maraming markang pula.

Bumaba na kami ng building. Sa bench na kami tumambay dahil malilim naman. Magkatabi kami ni Joana na siyang ka-partner ko tuwing training. Nakadepende kasi sa akin ang editorial cartoon na gagawin niya. Katabi din ni Lisa na nasa harap namin ang Grade 9 student na editorial cartoonist niya rin.

My Happy CrushWhere stories live. Discover now