Chapter 29: No Regrets

11 1 0
                                    


CHAPTER 29

No Regrets

Sa lahat ng bagay na ginagawa ko, palagi na lang akong may doubt. Tuwing nasa kalagitnaan ako ng pagtupad, saka naman ako umuurong para umatras. Marami akong iniisip. Marami akong kinatatakutan pero sinubok na rin ako ng panahon. Sinubok na ako ng lahat ng pinagdaanan kong hirap, sakit at pighati sa buhay.

"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo?"

Mahina akong natawa at inilapag ang letter. "Sir, matagal kong pinag-isipan 'to. I think this is the right time for me to explore new things."

Kaibigan ko si Arthur at study buddy na rin simula first year. Simula nang nag-graduate ako with flying colors, ni-recommend niya na ako sa accounting firm ng family niya. Maliit lang iyon at maliit pa ang sahod ko noong una. Crucial para sa akin dahil marami akong pinapaaral pero hindi ko iniwan si Arthur. Napamahalaan naman niya nang maayos ang firm kaya namamayagpag na ang firm sa buong Pilipinas. Proud akong naging parte ng success ng company.

Umismid ang boss kong napakakulit. "Hindi ka pa nakapag-explore sa lagay na 'yan? You're a CPA, a published author, a social media influencer, business owner and an ambassador of a women organization. What do you want? I'll give it to you. You're one of the assets of my company. Nanghihinayang ako sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi ng boss kong si Arthur. Alam ko ang mga narating ko. Hindi lang talaga ako sanay na marinig iyon mula sa ibang tao.

Kung dati, parang walang kuwenta pa ang tingin ko sa sarili ko. Gusto ko na lang palagi maglaho. Gusto ko na lang palaging ilayo ang sarili ko sa mga taong napapamahal ako dahil tingin ko, hindi ko sila deserve sa buhay ko. Pero ngayon, nabago lahat ng 'yon. Basta isang araw, naisip ko na lang na mahalin ang sarili ko... at ganito na ang nangyari, ito na ako ngayon.

"Sir, sa inyo na rin nanggaling. I have business. Lumalaki na iyon at nahihirapan na akong i-manage." Hinawakan ko ang kamay niya. "Arthur, I'm really thankful that you make me your friend. I love you."

Nangilid ang mga luha ni Arthur. "Gaga! Alam mo namang mahal kitang bakla ka. Bakit kasi kailangan mo pang umalis?"

"Don't worry! Sasama pa rin ako sa hang outs!"

Napairap siya. "Duda ako sa'yo. You're so workaholic. Baka lalong hindi na kita mahagilap."

Umiling ako. "Promise. Just call me. Promise, sasama ako."

"Sure 'yan, ah! Sa weekend. Bar hopping and man hunting!"

Natawa ako. "Alam mo namang hindi ako mahilig doon."

"Aba, Jessa Mae! You're already twenty eight. 'Yong ibang ka-batch natin, may anak na. Ikaw, kahit kalandian, wala!"

Napanguso ako. Hindi ko naman talaga kailangan ng lalaki sa buhay. Masama ba iyon o dahil nasobrahan lang ako sa pagmamahal sa sarili ko kaya kahit pangtanggap ng love sa opposite sex, parang impossible na sa akin?

"Sige na, lumayas ka na sa building ko at baka magbago pa ang isip ko!"

Natawa na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Pumunta ako sa office ko at kinuha ang mga gamit ko. Sumandal ako nang nakapasok sa elevator. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko kahit iiwanan ko ang trabahong humubog sa akin. Basta ang alam ko lang, this time, gagawin ko ang mga bagay na gusto ko—walang magdidikta, walang makikialam.

"Ma'am, thank you po! Ma-miss ka po namin!"

Napangiti ako sa sinabi ng guard sa entrance ng building. "Thank you rin po, Manong. Good luck po sa mga anak ninyo!"

Nang nakalabas ako, huminga ako nang malalim at tiningnan ang mga taong naglalakad sa labas. Sa panibagong desisyon ko, muli akong tatahak sa bagay na gusto ko. Muli akong susugal—bagay na hindi ko nagawa dati. Muli akong haharap sa mundo, mas matatag, mas malakas at mas may paninindigan kumpara noon.

My Happy CrushWhere stories live. Discover now