Chapter 10: Proud

20 4 8
                                    

CHAPTER 10

Proud

Medyo nakakaluwag kami kaya good mood si Mama. Iyon nga at maraming pinamili. Dahil kasasahod lang ni Papa, bumili siya ng baka pang-ulam namin dahil minsan lang naman daw kami kumain ng masarap na pagkain. Ngayon, mayroon; bukas, wala. Ganoon na talaga siguro ang cycle ng buhay namin kung palaging si Mama ang magha-handle ng budget namin sa loob ng isang buwan. Idagdag pa ang pagkahumaling niya sa pagsusugal.

"Mama, pahiram po ng cellphone," paalam ko kay mama na abala sa pagluluto ng hapunan namin.

Nang pumayag siya, umakyat ako sa rooftop. Hindi pa iyon tapos at wala pang harang. May mga nakalutang pa ngang bakal pero nandoon lang naman ako para tumambay. Isa pa, mas mahangin lalo pa at palubog na rin naman ang araw. Kulay kahek na ang sikat ng araw. Sa puwesto ko, tanaw na tanaw ko ang mga kabahayang magkakdikit na at ang palengke sa taas.

Umupo ako sa sirang bangko at binuksan ang cellphone ni Mama. Nag-online lang ako para tingnan ang mga message. Wala namang masyadong importante kaya binuksan ko ang group chat namin sa sa section namin.

"Angas..." Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko sa naabutan kong conversation ng nga kaklase ko. May kulit din pala silang tinatago.

Sana: Obvious naman kung sinong crush ni Lisa 😉.

Lisa: Stop na. 😭

Kenneth: Grabe, simula Grade 7, solid na siya pa rin. HAHAHAHA

Ella: @Sonny Dino

Marahan akong tumawa nang na-mention at na-seen ni Sonny ang group chat. Hindi namab sikretong crush ni Lisa si Sonny. Kalat na kalat pa nga sa room namin.

Tumaas ang mga kilay ko nang makita ang tatlong dot katabi ang profile picture ni Ceejay. Ano kayang sasabihin niya? Hindi ko na namalayan na naka-abang na ako sa message niya.

Ceejay: Ganoon naman talaga kapag mahal mo, handang maghintay.

Kenneth: Oy, pre. Ano 'yon?

Ella: 🤭

Sana: Ito na naman tayo.

Unti-unting nawala ang ngiti ko. Kahit hindi ako active, palagi kong naririnig sa mga kaklase ko ang mga kalokohan ni Ceejay sa group chat. Kung ganoon, iyon pala ang sinasabi nila. Ang dami palang echos ni Ceejay sa buhay kapag kausap sa chat.

'Pero worth it pa ba ang paghihintay kung hindi ka naman mahal?'

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilin ang ngiti. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para sakyan ang kalokohan ni Ceejay sa group chat. Kaniya-kaniya namang reaksiyon ang mga kaklase namin.

Ceejay: Kahit ako lang... kahit hindi na ako ang piliin, at least, nag-effort ako para hintayin... kahit wala pang kasiguraduhan 'yan.

Mahina akong natawa sa reply ni Ceejay. Masyadong malalalim ang mga sinasabi niya. Teenager pa lang kami pareho pero kung makapagsalita siya para ang dami niya nang alam sa love.

Ceejay: Kaya nga hinihintay kita kasi nga, mahal kita.

Lumakas ang tawa ko sa sunod na reply ni Ceejay. Wala naman siyang binanggit na pangalan pero dahil ako ang kausap niya, iisipin ng mga kaklase niyang ako iyon. Hinawi ko ang buhok na nililipad ng hangin.

Mahal din naman kita. Bakit ka pa ba maghihintay?

Sana: Ceejay + Jessa = Ceessa

#Ceesa

Kenneth: Wala na. Lumayag na ang Ceessa! Haha.

Ceejay: Haha patay ka sa akin sa Lunes @Jessa Mae Bunsay

Hindi mawala ang ngiti ko. Kaya lalo kaming inaasar dahil sa mga ganoong padali niya. Alam din naman nilang sinakyan ko lang ang trip ni Ceejay. Kilala naman siya sa room namin na ganoon talaga. Hindi kami aasarin kung hindi. Daig pa namin ang may serye sa group chat. Kapag nagkakataong pareho kaming online, parang gumagawa kami ng sarili naming kuwento at audience ang mga kaklase namin.

"Writer nga siguro talaga kaming pareho..."




******

Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako sasali sa interpretatibong pagbasa dahil nga sa nangyari last year... pero hindi ko alam kung bakit nahila na naman ako sa school-based competition para humanap ng representatives na ilalaban sa ibang school. Sa pagkakataong iyon, hindi na isa-isa. Talagang binigya na kami ng group na hindi ko kilala at on the spot lang din ibibigay sa amin ang piyesa. Dahil ako ang may experience, ako ang tinatanong nila kung paano ang sistema. 'Yong mga nakasama ko naman last year, nasa ibang group din sila.

"Bakit ang lungkot mo? Internalizing?"

Napanguso ako sa tanong na iyon ni Ceejay sa akin. May harang na bakal sa railings pero kita ko pa rin ang pang-aasar niya. Palibhasa, sa journ room ang contest kaya nasa baba lang sila kasama namin at naghihintay na maging available na ulit para sa journ team ang office.

"Internalizing? Hindi ko pa naman alam ang piyesang hawak ko."

Tinakpan ni Ceejay ng panyo ang bibig at sa ibang kaklaseng kalahok din tumingin. Kasali rin sina Lisa, Sana, Lily at Manny. Magagaling din sila sa public speaking kaya hindi na ako magtataka kung isa sa kanila ang mapili.

Tuluyang pumasok sa hallway sina Ceejay, Kenneth at Sonny. Wala silang pakialam kahit masikip pa nga. Ang init-init na nga, nakuha pang tumambay malapit sa amin. Tapos ko na namang sabihan ang mga ka-group ko mula sa iba't-ibang grade level kaya sumandal na lang ako sa railing.

Lumapit sa akin si Ceejay at itinuon niya ang siko sa railing paharao sa akin. "Okay ka lang?"

Tumango ako. "Kinakabahan lang..."

"Ikaw representative last year ng Grade 9, 'di ba?"

"Oo, hindi nga namin alam ang gagawin namin noon. Walang naging teamwork. Hindi ako ang senior noon kaya kahit gusto kong mag-suggest ng magandang strategy during the competition, nawalan ako ng boses kasi hindi naman ako ang naging leader." Bumuntong-hininga ako. "And... unfortunately, hindi kami nanalo."

Bumuntong-hininga rin siya kaya napalingon ako sa kaniya. "Bakit ba... palagi na lang mali ang nakikita mo sa sarili mo, sa mga... bagay na nagagawa mo?"

Bakit nga ba? Hindi ko rin alam. Madali kasing mapansin ang mga iyon. Ganoon naman talaga sa buhay, 'di ba? Milyon-milyon man ang gawin kong tama, gumawa lang ako ng isang pagkakamali, nakatatak na iyon sa buong pagkatao ko.

Nagkibit-balikat ako at umiwas ng tingin. "Madaling mapuna ang mga mali. Hindi naman ako siraulo para ipagyabang ang mga bagay na mali sa akin."

"Why don't you try embrace your flaws, JM?"

"Ha?"

Kumunot ang noo ko. Seryoso ba siya? Paano ko yayakapin ang bagay na mali sa akin, ang mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa ibang tao?

"JM..."

Lumingon ako sa kaniya. Kapag ganoon siyang tumingin sa akin, pakiramdam ko, hindi siraulong Ceejay ang kaharap ko. Para bang ang dami-dami niyang alam sa buhay na kahit ako, hindi na kayang sumabay.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Ceejay. "Practice gratitude, JM. Sa lahat... ng mga bagay na gusto mong gawin, hindi ka pa man nagsisimula, proud na proud na ako."

My Happy CrushWhere stories live. Discover now