Chapter 17: Sunrise

17 2 0
                                    

CHAPTER 17

Sunrise

Magpapalit na tayo ng sitting arrangement, guys! Tumayo na kayo!”

Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Ella. Papasok pa lang ako sa room nang sinabi niya iyon. Late na rin akong dumating dahil sa traffic. Ang ending, nasa corridor kaming lahat.

“Enjoy.” Kumindat sa akin si Ella.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan nanggaling iyon? Saka lang nawala ang pagtataka ko nang malaman ang balak nila. Pinagtabi-tabi pala nila sa upuan ang mga inaasar sa room. Hindi na ako nagtaka nang i-anounce niyang magkatabi kami ni Ceejay.

Mahina na lang akong natawa nang tumili sila. Hindi ko alam pero hindi na ako masyadong naapektuhan. Kahit ipagtabi nila kami, okay lang sa akin.

“Wala nang aangal, ah?! Hanggang fourth quarter na ’yan!”

“Good morning, JM.”

Lumingon ako kay Ceejay at napangiti. “Good morning…”

Bago na naman ang mga kasama ko sa table. Hindi na ako naiilang sa kanila dahil nakasama ko na naman sila sa mga practice. Katapat ko si Samara habang sa kaliwa niya naman si Sanford. Since nasa dulo ang lamesa namin, palaging patagilid ang tingin ko para makita ang pisara. 

“Pasensiya na, Jessa Mae. Okay lang ba ’to sa'yo?” mahinang tanong sa akin ni Ceejay.

Tumango ako. “Oo naman. Isa pa, malapit na kitang makalimutan. Kaunti na lang…”

Tiningnan akong mabuti ni Ceejay. Pagkatapos niyon, tahimik na siya buong klase. Hindi na siya lumingon pa sa akin. Hindi niya na rin ako kinausap.

•••••• 

’Yong paglimot ko sa feelings ko para kay Ceejay, hindi ko alam na mabilis lang. Lumipas lang ang buwan, ang atensiyon ko, nasa iba na agad. Ang kilig na mayroon ako para kay Ceejay, hindi ko alam kung bakit kay Sanford ko na nararamdaman. 

“Bunsay, alam mo ba kung paano ’to?”

Napasinghap ako nang lumapit sa akin si Sanford at nagpatulong sa isa naming assignment. Para akong nilamon ng sariling kaba. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap, sa kaniya na lang ang atensiyon ko. Sa kaniya na nakatuon ang mga paningin ko. 

Hindi naman sobrang pogi ni Sanford pero ang lakas ng appeal niya. Nakuha niya ako sa mga pang-aasar niya. Hindi ko maiwasang titigan siya sa tuwing tumatawa siya lalo na at katapat ko siya.

“Nakuha mo ba? Madali lang naman ’yan. Kailangan mo lang intindihin nang mabuti.” Hindi ako tumingin sa kaniya. Naiilang ako. Sobrang lapit niya sa akin at bahagya siyang nakayuko para marinig ko siya.

 “Ceejay, may practice, ah? Bakit hindi ka nag-attend kahapon?” 

Sumilip ako mula sa braso ni Clifford na nakapatong sa lamesa. Nagtagpo ang mga mata namin ni Ceejay nang umupo siya pagktapos ibaba ang bag. Napanguso ako nang makita ang masungit niyang mukha. Parang wala na naman siya sa mood.

“Masama ang pakiramdam ko…,” sagot ni Ceejay kay Samara.

“Sige, Bunsay. Salamat!” 

Tumunghay ako kay Sanford. “Sige…"

Bumalik na siya sa upuan habang ako, pinapakalma ang sarili ko. Kinakabahan talaga ako kapag nasa akin ang atensiyon ng crush ko. Nawiwindang ako.

“Anong ginawa n’yo kahapon?”

Tumunghay ako at tumingin kay Ceejay. “Nakapag-practice na kami ng sayaw pero huwag kang mag-alala kasi mga thirty seconds lang ng tugtog ang nalalapatan ng sayaw.”

My Happy CrushWhere stories live. Discover now