Chapter 24: Sikreto

34 1 0
                                    

CHAPTER 24

Sikreto

Sa mga panahong malungkot ako, mapag-isa at hindi mapaghanap ng mga bagay na makapagpapasaya, saka dumarating ang mga pagkakataong hindi inaasahan. Nagbukas sa akin ang pinto ng mga oportunidad. May humila pa rin sa akin mula sa madilim na sulok para ipagoatuloy ang paglalakad kahit ilang beses na hindi pinalad.

"Ano ba 'to?" Sinapo ko ang pisngi ko at matamang tiningnan ang cellphone ko. "Ako ba talaga ang nagsulat nito? Kinikilig ako...."

Hindi ko alam kung saan ako kinikilig—kung sa mga eksenang sinulat ko o sa ideyang marunong at kaya ko pala talagang magsulat ng mga kuwento.

Nang nagsimula ang pandemya, hindi na kami puwedeng lumabas. Naapektuhan hindi lang ang pag-aaral kundi pati na rin ang mga negosyi ng mga mamumuhunan sa bansa. Maraming pagbabago pero sa parteng ito ng pagkatuklas, saka lang umayon sa akin ang pagkakataon.

Hobby ko naman na talaga noon ang pagbabasa pero hindi ko naisip na matutuwa akong magsulat. Sa sobrang sabik ko, halos nakakalimang chapter ako sa isang araw. Hindi ko alam kung paano ang kalakaran sa writing industry. Wala rin kaso sa akin kung may magbasa o wala. Kahit wala akong paunang kaalaman kung ano ba talagang tunay na konsepto sa industry ng pagsusulat, sumubok pa rin ako dahil masarap sa pakiramdam. Para akong nakahanap ng sandigan sa mga oras na binahagi sa akin ang bigat na mayroon ang mundo.

Ceejay: Galing! Congratulations, Jessa.

Hindi ko napigilan ang pagngiti. May reply na naman sa akin si Ceejay na walang palyang bumati sa mga achievement ko kahit maliliit na mga bagay.

Jessa Mae: Thank you! Maliit pa nga, e.

Mabilis naman siyang nag-reply. Wala siguro siyang ginagawa. Na-miss ko tuloy siya bigla.

Ceejay: Practice gratitude. Maliit man but still, that's a stepping stone. Masaya ako para sa'yo.

Jessa Mae: Salamat, Ceejay.

Masaya ako sa mga payo at mga salita ni Ceejay pero hindi enough para masundan pa. Hindi ko alam kung bakit na lang ganoon? Hindi ko alam kung siya o ako ba ang problema. Gusto ko man marami pa kaming pag-usapan at humaba pa ang conversation, madalas na hanggang doon lang.

Isa pa, mas natutuwa ako sa atensiyong natatanggap ko mula kay Sanford. Simula kasi nang nagkaroon ng pandemic, mas madalas ko na siyang maka-chat at makausap tuwing gabi—bagay na kinapananabikan ko dati pa.

******

"For your practical research, you need to give me topic and your title 'tapos magkakaroon tayo ng title defense by the end of March."

Tumango-tango ako sa harap ng camera sa sinabi ng teacher namin sa practical research. Kunwari, naiintindihan ko pero sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Gumawa na kami dati noong Grade 10 pero wala talaga akong ideya kung paano talaga paano 'yon pormal na gagawin. Isa pa, hindi rin naman namin natapos ang school year na 'yon.

Napahiga na lang ako pagkatapos ng tatlo kong klase. Ngayon pa lang, stress na ako kaya nagsulat na lang muna ako. Nag-check na rin ako sa writing account ko. Napangiti ako nang nakitang may progress ang reads. Ini-upload ko 'yon sa myday. Wala pang five minutes, nag-reply na agad si Ceejay.

Ceejay: Congratulations ulit!

Jessa Mae: Salamat ulit. Hahaha.

Tumaas ang mga kilay ko nang mabilis siyang nag-heart sa reply ko. Iba-back ko na sana pero nakita kong typing pa siya. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero dumaan ang mga sandali, hindi na siya nag-reply pa.

My Happy CrushWhere stories live. Discover now