Chapter 368

195K 7.8K 7.3K
                                    

A/N: I miss updating. hehe

Piece of memory

Jay-Jay's POV

Naririnig ko ang tunog ng ambulansya. Puro dugo pero hindi ko alam kung kanino nagmula. Nakatingin ako sa maliit na bintana, maraming anino ang dumadaan don. Ilang beses akong kumurat hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang kirot sa palad ko. Meron akong hawak na agad kong binitawan.

Lumingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng ingay. Tinitigan ko ang anino nila mula sa labas. Lalakad na sana ako palabas ng may matisod ako dahilan para madapa ako. Napaluhod ako at nilingon kung ano ang natisod  ko. 

Binti. Tinignan ko kung kanino. Tinitigang mabuti. Binti ni Aries. Wala siyang malay at puno ng dugo ang damit.

Hanggang do'n ang naalala ko. 

Ipinaliwanag kong lahat 'yon kay Aries. Pinilit niyang hingiin ang detalye ng naalala ko no'ng gabing 'yon. Ayoko talaga pero sabi niya makakatulong daw 'yon para maintindihan ang kalagayan ko.

Pero hindi ko na kayang magbigay ng detalye.

"Jay. . ." tawag sa 'kin ng kapatid ko na may halong pakiusap.

Umiling ako at niyakap ang mga binti ko bago dumukdok sa tuhod ko. Sandali akong napatingin sa nurse matapos nilisin ang mga ginamit niya bago umalis. Tinanggal na ng tuluyan ang dextrose ko at agad na pinalitan ng bulak at tape.

Hindi ko magawang sabihin sa kanya na sa bawat oras na binabalikan ko ang nangyari bumabalik din sa 'kin ang nararamdaman ko ng gabing 'yon. Yung takot, sakit, hinagpis at bigat sa dibdib ko. Unti-unti ring sumasakit ang ulo ko kasunod ng pagkahilo. Naalala ko rin ang amoy ng dugo at ng kwarto pati temperatura ng mga oras na 'yon. Parang babaliktad ang sikmura ko. 

"Wala na kong maalala. Hanggang do'n lang," sabi ko habang pilit pinipigalan ang maiyak.

"That's enough," sabi ni Keifer mula sa sulok ng kwarto. 

"No, it's not. Pwede pa niyang maalala ang iba kung aalalahanin niya ang mga nangyari nang gabing 'yon," pagpipilit ng kapatid ko.

Umiling si Keifer at pumagitna na sa 'min ni Aries. "Hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa kanya dahil dyan sa ginagawa mo!"

Halatang nairita na ang kapatid kong kaharap lang niya. Pati si Yuri na halos kakarating lang din pumagitna na. 

"Keifer is right, it's too risky for Jay-Jay," sabi niya at bahagyang pinaglayo ang dalawa.

Si Percy naman ay nasa lamesa lang, yakap ng isang braso ang binili niyang air freshener at kumakain ng fries habang pinapanood kami gamit ang kabilang kamay. Nagpapalipat-lipat pa ang tingin niya, halatang sinusundan ang nagsasalita.

Parang nanood lang ng sine ah.

"Ano bang alam niyo sa sitwasyon niya? Dapat nga magsalita siya para masabi namin sa psychiatrist at matulungan siya," inis na sabi ni Aries.

Tumataas ang tono ng boses niya. Alam kong hindi papatalo ang Hari ng mga Ulupong. Kahit ayoko ng humarap sa kanila pinilit kong umalis sa pagkakaupo ko para hatakin si Keifer na siyang pinakamalapit sa 'kin.

"Tama na. Mag-aaway pa kayo eh," 

Hindi niya ko pinansin. 

"Compare to you, mas marami akong alam!" sagot niya sa kapatid ko.

Halatang napikon si Aries. Tinangka niyang lumapit kay Keifer pero dahil kay Yuri hindi niya magawa.

"Mas mahusay ka na niyan? You think you're better than me?"

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon