Floored

32 12 6
                                    


Nagbukas muna ako ng Facebook habang hihintay si Gran dito sa study room.




Aba, ang nga alert kong kaibigan ay naipost na ang mga pictures namin kanina with the caption~ Swimming with my gals.



Nilike ko ang ang mga pictures at chineck ang comments.




Aki> Makaswimming kayo diyan ha.FYI, nagbababad lang po kayo mga kaibigan at hindi lumalangoy.




Chin> Walang basagan ng trip girl. Paano ako sasagipin ng prince ko kung marunong naman akong lumangoy?




Aki> @Chin, buti kung may prince na darating...ikamamatay mo 'yan uy.





Natatawa ako sa bangayan ng dalawang 'to.




Si Chin kasi aminado naman na may konting kalandian sa katawan.




Si Aki naman ay kahit friendly ay hindi basta basta bumibigay sa mga lumalapit sa kanya may pagka clumsy din ito sa mga salita niya.




Si Jade naman ay mukhang busy. Malamang nagbabasa naman 'yon ngayon. Siya lang ata ang kikay at maarteng geek na kilala ko.



Magcocomment na sana ako ng may sumingit na bagong comment. Si Alfred.



If I'm not mistaken ay naging kaklase namin siya nung freshmen pero nasa ibang section na siya ngayon.



Alfred> Ang ganda talaga ng crush ko.(hart hart)



Kumunot ang noo ko sa comment niya pero napatawa naman ako sa reply ng mga kaibigan ko.



Aki> @Alfred, Do we know you?



Chin> @Alfred, Yeah, I know right, ang ganda ko. No need to point that out.



Alfred>@Aki, we're schoolmates, section 2B.@Chin, yeah maganda ka nga pero si Sheen yung crush ko, sorry.hehe



Nanlaki naman ang mga mata ko sa nireply niyang 'yon.



Crush niya ako? Ang lakas naman ng loob ng isang 'to. Parang hindi naman kami close.



Isa siyang football player sa school at mabibilang lang yata ang time na nagkausap kami.



Mabilis ding nakareply ang dalawa sa kanya.



Aki> @Alfred. Talaga lang ha? Eto, magpaalam ka kaya muna. @May Palma, Tita manililigaw daw siya kay Sheen.



Chin> @Alfred, ayus lang sa 'kin yan. Haha. Tanungin mo din si sister ,@Mary Palma, ate aprub ba sa inyo?hihihi



Jade> C'mon girls. You're forgetting the one in the higher caste, luckily for you Alfred, I can't tag Gran in here.



Nalukot ang mukha ko at natampal ko ang noo ko.



Por pabor! Tama bang itag ang mama ko at ate ko sa comment nila.



Dios mio. Crush pa nga lang ang sabi ni Alfred may mga panliligaw na silang na anticipate.



At buti na lang talaga at walang Facebook si Gran. Ipagrorosary ko nga 'yan mamaya.







Ipagluluksa ko pa sana ang naunsyaming love life ko nang biglang pumihit ang pinto. Napatayo ako agad agad at naghanda ng ngiti kay Gran. Inihanda ko na din ang tea niya bago bumalik sa kinatatayuan ko kanina.



Seryoso itong umupo sa harap ko at iminuwestrang umupo na din ako. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko hinintay ang mga susunod niyang sasabihin.




"Do you remember Fatima Kai?"



Nalito ako sa tanong niya pero tumango ako, "Yes po Gran. She's your friend's only daughter."



Tumango-tango si Gran at uminom muna ng tea bago nagpatuloy.



"I believe you have met her as well right?"


Tumango nanaman ako bilang pagsang-ayon.


"Yes po Gran, for a couple of times."



"But you haven't met her only son, tama ba ako?"



"Yes po Gran. Hindi pa nga po."



Naguguluhan na 'ko kung sa'n ba patungo ang usapan namin at napapagod na din ako sa kakasagot sa mga tanong niya na pare-pareho lang naman ang sagot.



"Is it okay if I ask something from you?"



Sumagot ako without thinking dahil alam ko naman na dapat yes ang isasagot ko.



"Yes po Gran. What is it?"



"You love me right apo?"



"Yes, of course po Gran. I do."



"You have been very obedient and respectful to us but you know everything is for your own good right?"



"Yes po Gran, I know."



"You will marry her only son then, right?"



"Yes po Gran. I will- wait....




What?!"

Kismet:YuanfenWhere stories live. Discover now