Metanoia

16 3 1
                                    

~Sheen

I woke up with a big hollow in my heart but my body felt heavy. I looked to my right and my gaze fell to my luggage and Sevie sitting on top of it. Kulang na lang ay music na Leaving on a Jet Plane at parang nasa isang music video na 'ko.



Hinila ko ang katawan ko at naghanda na para sa pag-alis ko. Dito sa lugar na 'to at sa estadong kinasasadlakan ko.



I heard movements downstairs. Si Aunt siguro. Hindi ko alam kung nandito pa si Sarah o kung gising na si Sev dahil sa kalasingan kagabi. At hindi ko alam kung kaya kong harapin siya kung gising na siya.



I took out one of my favorite books. I stared at the words in the dedication page and felt the sadness eat me up.



For the man who gave me his heart when I asked for mine back.

'Til the day I can give it back to you.

For now, I'll keep it safe with me here, Jet.



I saw a dark spot in the page and realized na pumatak na pala ang luha ko ng hindi ko namamalayan.



Noon, kalayaan lang sa mga choices ko ang parati kong hinihiling. Hiniling ko na kung hindi man ibigay sa'kin 'yon ay bigyan na lang ako ng tibay ng loob at pag-unawa para tanggapin lahat at maging masaya.



Pero ngayon, hindi ko alam kung ano na'ng gusto ko. Bakit ang hirap sumaya?



Sa pagstay ko dito ay pilit kong iwinawaksi ang damdamin ko. Pilit kong iniignora ang realisasyon na maaaring nahuhulog na nga ako kay Sev. Dahil alam ko na sa oras na aminin ko 'yon sa sarili ko ay hindi ko na 'yon mapipigilan.



I am the master of self- control. Kayang kong magpanggap na masaya at ok lang sa mga nangyayari sa buhay ko. Kaya kong sundin ang mga rules at mabuhay ng walang nilalabag sa mga 'yon. Kaya kong magpanggap na ok lang ako hanggang kaya ko pa.



Ang mahihinang katok sa pinto ko ang nagpaangat sa ulo ko. Pinahid ko ang mga luha ko at inayos ang sarili. Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko at huminga ng ilang beses.



"Sheen, sweetie, kumain ka na sa baba bago pumunta sa airport."



"Yes po Aunt. I'll just go downstairs. Thank you po."



Mabilis akong naghilamos at noong ayos na ang itsura ko sa salamin ay bumaba para kumain.



....



~Sev



I woke up with a sticky note in my forehead. Kinuha ko iyon at binasa gamit ang isang mata.



Jet,

That was not what I imagined our first meeting after I left will be.

I left some meds for the hangover.

And, please thank Sheen for helping me while you were passed out last night.

SG



Sarah.



As if on cue ay sumakit ang ulo ko nang bumangon ako. I tried to remember what I did last night. From Sheen breaking off the set-up without even talking to me about her plans. Then, me driving to Sarah's place. I've known she was back last week. Alam ko pero wala akong lakas ng loob na harapin siya. Nakuntento ako sa pagtingin sa malayo sa kanya simula noong malaman kong bumalik na siya.



Kismet:YuanfenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon