Choker

22 10 5
                                    

Parang nagising ang diwa ko ng tuluyang magsink-in ang tanong niya sa'kin.




Stop. Hindi 'yon tanong. She looks like she was imposing it.




"You are going to marry Fatima's son, not now of course but in the future. I have talked with her a week ago at ilang taon na din naming pinag-isipan ito ng kaibigan kong si Diana, and mama niya. Hindi nga lang namin napursue ang planong pagpapakilala sa inyo dahil nagkasakit si Diana at namatay hanggang ako din ay naospital. Kaya ngayon, habang malakas pa'ko ay isasaayos namin ang naunsyaming plano."




"What?! Nagplano po kayo ng arranged marriage para sa'kin?"




"No no no no. Hindi ito arranged marriage apo."




"Eh ano po? Fixed marriage? Pareho po kaya 'yon."




" Aba hindi! Batang ito. Masyadong makaluma naman ang mga iyan."




"Ano po ba talaga Gran? Eh ano po'ng itatawag ko sa pagpipilit niyo sa 'king pakasalan ang lalaking ni hindi ko pa nga po nakikita?"




"Ayun!Oo nga. Hindi ito Arranged o fixed marriage. Ito ay forced marriage! You see the difference? I'm not giving you any option on this one. You have to marry Severino Kai, my amiga's grandson in the future so better if you start with the basic now. Pauwi na siya ngayon sa Pilipinas. Bukas na bukas din ay magdedate kayong dalawa. Let's go downstairs, magrorosary pa tayo."




Hindi kakikitaan ng katigasan si Gran.There is that certain calmness within her pero sa tagal ng pagkakasama namin ay alam ko na mas dapat akong kabahan 'pag ganun dahil ibig sabihin noon ay buo na ang desisyon niya.






Nanghihinang napaupo ako sa upuan at tinakip ang mga palad sa mukha.




All of a sudden,parang ang hirap huminga. Para bang may choker na sumasakal sa'kin ngayon.




It's not like I can do something about it. Ayokong sumama ang loob ni Gran dahil kagagaling lang niya ng hospital at bilin ng doktor na hindi siya dapat ma-stress.




What else could I do?





....





Pagkatapos naming magrosary ay naghanda na din kami para sa hapunan. Isa na 'to sa normal routines namin sa bahay. We pray the rosary at 6 PM, hapunan ng magkakasama, daily updates o sharing pagkatapos at prayer before we sleep.




My Gran would see to it na kumpleto kami every meal kaya kahit may ginagawa pa kami ay kailangan ihinto 'yon para kumain. Pagkatapos kumain ay magbabahagi naman kami ng mga nangyari sa araw namin, pwedeng mga naobserbahan namin sa paligid o mga natutunan namin sa araw na 'yon.




At ang pinaka huli ay ang pagdarasal bago matulog. Pagkatapos ng routine ay pwede na naming ipagpatuloy ang mga nahintong gawain.




Tahimik lang kami habang kumakain. Sinusubukan kong hulihin ang mga mata nina Mama at ate Mary pero parang iniiwasan naman nilang mapatingin sa'kin. Si Gran naman ay parang nakatuon ang pansin sa kinakain.




Pinipilit kong lunukin ang kinakain ko kahit na mahirap kumain at kinakain ako ng pag-aalala dahil sa sinabi ni Gran kanina.




Alam kaya nina Mama at tungkol doon kaya umiiwas sila sa'kin? Bakit hindi man lang nila 'ko sinabihan o kahit warning lang?




Hindi ba pwedeng bumusina muna bago ako sagasaan ng balitang 'yon?




Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago inilapag ang kubyertos.




Napatingin si Gran sa'kin ng marinig ang mahinang tunog nga kutsara at tinidor.




"Tapos ka na?"




Mahina akong tumango nang hindi siya tinitingnan.




She sighed at uminom muna ng tubig.




"Then we can start the sharing with you. How was your day apo?"




So this is how they want it to be? To act normally after that news? Then I'll pretend as well. Doon naman talaga ako magaling eh. Sa pagpapanggap na ayos lang ako kahit na hindi, na magpanggap na gusto ko lahat ng ginagawa ko kahit mahirap.




Then be it, I'll pretend until everything feels normal.

Kismet:Yuanfenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن