Conformare

29 11 6
                                    

 
Gusto ko’ng matawa at the same time maawa na din sa lalaking nagpakilalang Sev ngayon.






Kanina pa kasi siya lihim na napapailing sa tuwing napapatingin sa’kin.

 




“So, Sev right? What are your hobbies?”Numiti ako ng matamis sa kanya.

 


 

“Ahm, I play in a band. How about you?”

 




“Wow, that’s interesting. I like witchcraft.”

 




Napaubo ito bigla sa sinabi ko dahil umiinom pa ito at kinagat ko na lang ang loob ng bibig ko para pigilin ang tawa ko.




 

“Come again?” Tanong nito ng makabawi.

 




“Oh, I’m just kidding. But I really want to try it though.”

 




I looked at him habang naging uneasy siya sa upuan niya.






Sorry Sev. Lord patawarin Niyo po ako.  

 




Tahimik kaming kumain ng dumating ang order namin. He looked relieved though .






Well, hindi din, dahil kinalimutan ko lahat ng table manners ko ngayon.






Patay talaga ‘ko ‘pag nalaman ito ng Gran at Mama ko.






“Urrrggghhhbb. Ahehe, sorry ha, nabusog kasi ako eh.” Dumighay ako sabay punas sa kumalat na sauce sa bibig ko.

 




Nakatulala lang siya sa’kin habang hindi man lang nagalaw ang kalahati ng pagkain niya.






Sino naman ang gaganahan kapag ang kaharap mo ay parang baboy na ginutom ng isang taon kung kumain?






Hindi din ako gumamit ng kubyertos para feel na feel. Gumagamit ba ng utensils ang baboy? Ewan. Parang hindi din eh.

 


 

Uminom lang siya ng tubig at tumikhim muna bago naging seryoso ang mukha.  

 




“Look, I came here to meet you and it doesn’t mean I have to keep up with you pero pwede itigil mo na ‘yan?”

 

 

Nagulat ako kaya hindi ako kaagad nakapagreact.So I stared at him innocently.

   


 

“Itigil ang alin?”

 


 

“You’re overdoing it.”






“Overdoing what?”    
Nabuko na ba 'ko?






“You can just simply tell me that you don’t conform with the marriage because that will make things easier for us.”





   
Teka...Processing info...Ano daw? Ibig sabihin lan nito ay hindi din siya sang-ayon sa FM (Forced Marriage) na ‘yon.

Kismet:Yuanfenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن