Weeping Corner

12 2 1
                                    

"Good morning Miss."


Nginitian ko an mga grupo ng binatilyo na bumati sa'kin. Napatanga naman sila ng ilang segundo at parang nahihiyang nagyuko ng mga ulo.


Napangiti ako sa tinuran nila. Good to know my charms still work.


Nandito ako sa University para magpasa ng mga grades ng mga estudyante ko. Bibisitahin ko na din ang garden ko dito. Mahirap na baka nagbakasyon ang hardinero dito dahil summer ngayon at mapabayaan ang mga halaman ko.


"Sheen!"


Napalingon ako sa matinis na boses na tumawag sa'kin. Si Gwen. Ang co-teacher ko. English teacher siya dito.


"Hi Gwen. Ba't parang excited ka yata? Going for a trip this summer?"


"Well,not really pero parang ganun na din naman 'yon. Our uni was chosen to help in a community service."


Napatango tango ako urging her to continue para malaman ko kung ano'ng masaya dun. Not that I don't like the idea of helping but why is she so excited about it? Para namang hindi namin 'yon ginagawa every semester.


"So, 'yun na nga , this is an international organization and they want the teaching staffs including the chosen students to participate with them. And guess where we're going?"


"Ahm. Tacloban?"


"No."


"Bantay Bata 163 Headquarters?"


"No."


"Baka gusto mo na lang sabihin sa 'kin?"


"To Gigantes Islands!" Sigaw nito na may kasama pang taas kamay. Kung hindi lang siya naka uniform malamang pagkamalan siyang estudyante sa inaakto niya ngayon.


"Wow. Where exactly is that?"


Bumagsak ang balikat niya at tinignan ako ng masama.


"Joke? He-he. Maganda dun di ba? So ano'ng gagawin natin doon?"


Itatanong ko na lang kay Google ang islang 'yan mamaya.


"We are going to help out the community and orient them on how to take care of the paradise which they call home. Proper waste disposal, sustainable use of their resources, proper hygiene and of course educate the children."


"Well, that's a good idea. Kesa naman magspend tayo ng pera sa mga trips kung saan saan, maganda na din na nakakatulong tayo habang nag-eenjoy din naman."


Nagpaalam ako kay Gwen at dumiretso sa faculty room para ipasa ang mga grades sa adviser ng klase.I then went on my way to my garden.

Kismet:YuanfenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora