Make a Stand

7 4 1
                                    

We visited Grams in the cemetery today. We offered our prayers and talked to her as if she was here. Aunt Fatima introduced me to her and I felt light and puffy inside. Sana nakilala ko siya noong nabubuhay pa siya. I could have asked her some things I couldn't ask my Gran.







Mas bumuti naman ang mood ni Sev sa nakikita ko. Siguro ay kinailangan lang talaga niya ng makakausap para mailabas lahat ng nararamdaman niya. Kagaya ko din. Iyon naman talaga minsan eh. Hindi natin kailangan ng solusyon mula sa iba. Ang kailangan lang natin ay 'yong makikinig sa 'tin at hindi tayo huhusgahan.







We're having our dinner now. Si Aunt Fatima ang nagluto at tumulong lang kami ni Sev sa pagbabalat, paghiwa o pagtikim sa mga dishes.







"Sweetie. I'm gonna miss you. I hope you had enjoyed your stay here." Malungkot na wika ni Aunt Fatima. Ginagap pa nito ang kamay ko at tumayo upang yakapin ako.







"Oh Aunt. I am really going to miss you. And of course, my stay was splendid. Thank you so much for welcoming me here.Pakiramdam ko ay hindi ako nalayo sa pamilya ko." Niyakap ko din siya ng mahigpit.







"Women." Napapailing na wika ni Sev sa upuan niya. Matalim na binalingan namin siya ng tingin at sabay naman kaming tumawa ni Aunt noong marealize 'yon.







Naupo ako ulit at pinatatag ang sarili ko para masabi ko ang dapat kong sabihin. Kailangan kong gawin 'to. Para kay Sev.








"Ahm Aunt?" Tumikhim ako.







"Yes, sweetie?"







"I broke up with Sev."







Napatigil ang kamay nito sa akmang pag-inom. Nabura ang ngiti sa mga labi ni Aunt at shock na napatingin sa 'kin. Si Sev naman ay napatayo sa upuan at gulat din sa sinabi ko. Hindi siguro niya inasahan na ngayon ko sasabihin ang tungkol doon.







I intended to do it now dahil baka hindi na kami magkita pa ulit. I made my decision last night. I am going to go home, live my life again and pretend that Sev never happened. Of course that will be hard. Alam ko na tatawag pa rin siya at pipilitin pa rin ako ni Gran. Pero kaya ko silang e-handle. Kailangan kong maging matatag. I have to make a stand for once in my life.







"Why?" Takang takang tanong ni Aunt.







I took a deep breath and smiled at her. "Gusto ko po kasi na kung magmamahal ako ay 'yong buo ang puso at mamahalin ako ng buong buo. Sev, is not capable of doing that. He's broken, hanggang ngayon. I know about him and Sarah."







"Oh Sweetie." Mangiyak ngiyak si Aunt ngayon. "I didn't wish for our children to suffer the pain we had then. I wish it could be easier for you. You're too young to experience the pain of being broken. I told Mom that the set-up about fate should be forgotten. Dahil kung tadhana nga ninyo ang isa't-isa ay ito na mismo ang gagawa ng paraan na paglapitin kayo without them intervening. I am so sorry sweetheart." Naiiyak na talaga ito ngayon kaya dinaluhan ito ni Sev.







"It's alright Aunt. That's why I'm taking this decision. Dahil baka 'pag pinilit naming pakialaman ang tadhana ay masaktan lang kami. At hindi lang ito lahat tungkol sa tadhana.







I made my choice. Ayoko pong matali sa isang relasyon na ipinilit lang. Gusto ko kapag nagmahal ako ay iyong totoo na talaga. Na pinili ko talaga siya at siya talaga ang tinitibok ng puso ko.







Kismet:YuanfenWhere stories live. Discover now