Familia

29 11 5
                                    

Papunta kami ngayon sa study room para mag-usap as a family tungkol sa pasabog ni Gran kanina.




Inalalayan ni Ate Mary si Gran sa unahan habang nagpahuli naman ako sa likod nila. Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa braso ko kaya napatigil ako.




Hinintay muna niyang makaakyat sina ate bago ibaling ang tingin sa 'kin.




"I'm sorry anak." Yung lang ang nasabi niya bago ako yakapin.




"I don't understand Ma.Bakit ngayon po niya naisipang ipakasal ako?"




"I don't know anak. Pero please, you know your Gran's condition right? She has stage 2 ovarian cancer. Please, intindihin muna natin siya. Let's give in to her wishes for now. I promise I will talk with her about this. Kanina niya lang din sinabi 'to sa'kin and I am as shocked as you. I'll convince her to change her mind.




And nak, hindi pa naman kayo magpapakasal bukas 'di ba?" She slightly smiled with her last statement.




Bigla akong naliwanagan sa sinabi ni Mama. It will be so selfish of me to just simply disagree without thinking of Gran's conditon.




She has always been strict pero that was always for my own good.




Tumango ako kay Mama. I have to make a decision bago ko pa siya kausapin.




"Yes po Ma. I understand." Ngumiti na rin ako at suminghot bago hinawakan ang kamay niya.




"I'll follow her for now. At baka pangit ang ugali ng lalaking 'yon kaya pwede pang magbago ang desisyon niya. I still have years to convince her."




We laughed together bago kami sumunod kina Gran.




Tama ang mama ko. I'll follow her wishes and pretend to be alright with it, for now. Habang ako naman ay mag-iisip ng plano kung paano makakalaya sa sitwasyon.




I'd let Gran tell me all the details of the meet up tomorrow with a certain Sev.



Meet up 'yon hindi date, dahil dapat may mutual agreement kung date 'yon. Ni hinidi ko nga alam kung bukal din sa loob ng lalaking 'yon ang pagkikita bukas.




Pero given na bumiyahe na siya dito sa Pilipinas ay siguradong pumayag din siya.




Kung nagulat man ang Gran ko sa biglaang pagbabago ko ng mood sa arrangement ay hindi naman niya ipinakita.




Binigyan niya 'ko ng envelope ng nasabing lalaki bago dinismiss ang usapan dahil gumagabi na din at bawal 'yon sa kanya.










Tiningnan ko ang ang envelope na may laman ng picture daw at mga detalye tungkol sa lalaki.




Ang creepy masyado ng pinaggagawa ng lola ko. Iniisip ko pa lang na meron ding picture ko at detalye tungkol sa 'kin ang lalaking 'yon ay parang nakakakilabot na.




"Sheen."




Nalingunan ko ang Ate Mary ko. Nginitian ko siya bago yakapin. Namiss ko din siya. Bumisita lang siya sa'min ngayon mula sa kumbento .




"Hanggang kailan ka dito?"




"Pinapaalis mo na ba'ko?" Nakangiti nitong tanong.




"Hindi naman sa ganun, medyo lang.Haha."



Niyakap ko siya ulit nung nakita kong parang pipingutin niya 'ko.




"Sino naman ang Alfred na 'yon ha?'




Lagot na. Siya lang yata ang madreng kilala ko na updated ang Facebook.




"He's a schoolmate."




"Just a schoolmate? Or a suitor?"




"Ano ka ba ate, kanina nga lang 'yon nagpahayag ng damdamin eh. Naunsyami pa ngayon dahil hindi na pwede."Mahina kong dinugtong ang huling linya.




Nalungkot naman ang mukha ng ate ko.




"You'll get through this. He gives the toughest battle to His strongest soldier. "




"Hay, buti na lang andyan kayo nina Mama. Kahit wala na si Papa ay meron pa din akong masasandalan."




"Siyempre, ano pa at naging pamilya tayo 'di ba?"




Kanina, parang hindi ako makahinga. Ngayon naman ay unti-unti akong naliliwanagan at parang lumakas ako na harapin ang bukas.




Speaking of bukas, kailangan ko na palang pag-aralan ang target- este, kameet-up ko bukas.




Maglagay kaya ako ng mga tigyawat at eyebags sa mata ko para matakot siya at bumalik na siya sa pinanggalingan niya?




Hmmm. I'm actually thinking of considering that.








..............

Author's Note:




Picture of Sheen and Gran sa multimedia.


Gran looks intimidating yea? Pero gorgeous pa din.


I want to dedicate this sa Lola ng bestfriend ko, who is in heaven now dahil din sa ovarian cancer.
And yes, some characters and situations here may have some li'l truth in them pero the whole story is totally fictional.

~JC

Kismet:YuanfenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon