For Freedom

27 11 6
                                    

Konting pahid lang ng cream, powder and voila!






Ayan, pwede na. Mukha naman siyang kapani-paniwala.






Ginaya ko lang 'to sa tutorial sa youtube- How to Make Fake Zits (kunwari lang pero kung meron talaga, eh di wow).





Hay naku, kahit ano na lang yata nasa internet na ngayon. Ganito na ba talaga ka creative ang mga tao ngayon?






Tiningnan ko ang mukha ng lalaking 'yon. Ilang beses ko na din 'tong tinititigan mula pa kagabi. Konti na lang at memoryado ko na ata ang pagmumukha niya.




19 years old na siya. Senior High sa Chelsea. Nakadalawang girlfriend. Tumaas ang kilay ko dun ha.





Mapupungay na mata na parang nang-aakit, pero hindi naman ako naaakit ha. Matangos na ilong na tama lang sa kanya, hindi naman siya nagmukhang witch. Natural red lips na medyo pouty, wait, tama ba ang description ko? Ang awkward yata nun. Makapal na alun-alon na buhok at medyo mahabang buhok. Idagdag na din ang maliit na ngiti na right side lang naman ng lips nito ang nakaangat.






Hay, I would bet my pink bows na babaero ang isang 'to.






Call me judgemental pero I've known enough guys with this type of smile para malaman na pare-pareho lang sila.






For a girl who never had a boyfriend, bakit ba ang bitter ko?






Well, nag-iingat lang ako.






Ang goal ko ngayon is to make a bad impression to him and to try to fish out some bad things about him as well.






Iipunin ko lahat ng 'yong at ihaharap kay Gran bilang argument. Surely she will listen since gusto niya para sa'kin ay yung makakabuti sa'kin, hindi makakasama.






Pagkatapos naming magsimba ay nagpaalam na 'ko kina Gran at nagpalusot na magpapaparlor lang ako para sa meet up namin.Hindi ko pa 'to sinasabi sa mga friends ko.






Ang ideya pa lang ng forced marriage na ito ay repulsive na para sa kanila. Ayokong kausapin nila si Gran dahil siguradong maste-stress lang ito sa kanila.






Mga amasona pa naman ang mga 'yon. They love their freedom too much kaya nga minsan naiingit ako sa kanila.






They don't have any curfew. They can dress the way they want to. Nasusuot ko naman 'yong gusto ko pero may limitations. I can't wear something na mataas ng 1 inch mula sa tuhod ko lalo na ang mga skirts at short shorts . Sabi nga ni Gran,iba na ngayon ang henerasyon. Nauuso na ang salawal dahil magkasing haba lang sila ng mga shorts na isinusuot mg iba. I can't also wear tube dresses at provocative ones-not that I would want to of course.






Maybe it's just the thought na merong pader sa gagawin mo kaya parang feeling ko hindi ako makagalaw ng maayos.'Yung feeling na naka confine ka sa isang cell space at limited ang bawat kilos mo.






I am given everything I need.Pero may hollow part pa rin sa loob ko na nagkukumahog mapunan.Para akong nalubog sa malalim na part ng dagat at pinipilit umangat sa ibabaw para makalanghap ng hangin.






When I was younger, I would nevery find my voice to insist on what I want. Pero mula noong makilala ko si Aki ay mas naging matapang ako at confident.






Noong farewell party namin sa middle school ay siya lang ang matapang na hinarap si Gran para ipagpaalam ako. Hindi ko alam kung ano'ng ginawa niya para mapapayag si Gran pero masaya talaga ko noon. First time ko kayang mag-overnight kasama ang mga kaklase ko.





Mula noon ay medyo nakaramdam ako ng lakas ng loob. Kahit sa ibang tao ay marunong na 'kong mag-insist kung ano ang gusto ko.






I grabbed my purse at tinext ang target ko.






I've been here 30 minutes ago dahil kailangan ko pang ayusin ang facade ko. I looked at my reflection sa salamin.






May limang butil ng pimples ako na nilagay sa mukha ko, isa gilid ng ilong ko, tatlo sa noo ko at isa sa kanang pisngi ko. I also added black lines sa ilalim ng mata ko na nagmukhang eyebags. I'm wearing a pink dress na lagpas tuhod. Thick black-rimmed eye glasses na lang at kumpleto na.






I made an evil smile sa reflection ko.
Hindi naman pangit pero papasa na as weird and disturbing.






Tingnan ko na lang kung gugustuhin pa ng lalaking 'yon na makipagkita ulit sa 'kin.






Ha!Ang galing ko talaga.






I feel bad sa kawawang lalaking 'yon pero kailangan kong gawin 'to.




Para sa kalayaan.




..............


Author's Note:




Eto na po si Sheen mga kaibigan.
Ms.Grande as Sheen po.


Kung hindi naman kayo fan ni Ariana, you can have your imagination turn her into someone else.
Libre mag imagine.hehehe.

~JC

Kismet:Yuanfenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن