Sarah Grisham

22 6 3
                                    

Nakahiga kami ngayon sa hood ng kotse ni Sev na nakapark di-kalayuan mula sa bahay. Mahirap na kasi 'pag nakita nila si Sev dito.



Kakatapos lang namin ng sariling version namin ng 21 questions pagkatapos naming mastuck sa isang tanong . Nakalimutan na namin kung pang-ilan na ba 'yon kaya ayun tumigil na kami pagkatapos ng ilang bangayan.



"Who would you be if you could be anyone?"



Nag-isip ako bago nakangiting tumingala sa mga bituin.



"I want to be Sarah Grisham." Hindi umimik si Sev kaya nagpatuloy ako.



"Isa siya sa pinakahinahangaan kong tao na nabubuhay. Did you know na isa siyang Ambassadress of goodwill at the age of 17? She's an achiever. Paborito ko din 'yong libro niya, ang Metanoia. Inspirasyon ko din siya sa faith ko dahil bukod sa volunteer works niya ay isa din siyang babaeng hinubog ng pananampalataya. She's simply amazing. Ano sa tingin mo?"



"I think it's getting late. You should get inside." Tahimik nitong turan.



Nakunot ang noo ko sa sagot niya.Nakaka-disappoint naman ang enthusiasm niya sa sinagot ko. I was being positive there tapos biglang buhos ng pagka nega itong Sev na 'to.



Sumimangot ako at naupo mula sa pagkakahiga sa hood. I straightened out at humarap sa kanya na nakatanaw pa rin sa langit. He's acting strange pero tama siya, late na nga.




"Thank you for this night Sev. For helping me out at sa regalo mo. I really appreciate it. You don't know how grateful I am that you're here on my birthday. You made me happy just by being here."



Pagkatapos sabihin 'yon ay tinakbo ko ang gate namin at pumasok ng dire-diretso.



Napasandal ako sa gate dahil habang binabawi ang hininga ko at pinapakalma ang nagririgodon kong puso. Mainit pa din ang pisngi ko dahil sa sinabi ko sa kanya.



Tama ba na sinabi ko 'yon? Pero kasi naman. They felt right to me.



It was just a first for me to admit how I feel towards a person, especially him.



Umilaw ang phone ko nung nagpasya akong pumasok sa loob ng bahay.Si Sev. Napangiti ako sa mensahe niya.



I'm glad you appreciate it. At, hindi ka dapat tumatakbo pagkatapos mo'ng aminin sa'kin 'yon. It destroyed the moment.Good night Sweet cheeks.


....




Parang gusto kong tumakbo pabalik sa eroplano at magtago sa compartment pabalik ng Pilipinas. Pero ang kontrabidang bahagi ng utak ko ay nagsasabing para akong tanga 'pag ginawa ko 'yon.



Andito na 'ko, sa isang banyagang lupain, walang kakilala, ilang milya mula sa bahay, walang kaibigan....



Naman. Bakit nga ba 'ko nandito? Napahinto ako sa paghila sa trolley ko.



Right. Sev, Gran, Mrs. Kai. Hay.



A week ago ay may tumawag sa'kin para ipaalam na malapit na ang death anniversary ng lola ni Sev at kailangan kong pumunta para pormal na ipakilala sa Grams niya at sa Mama niya. The caller was Mrs. Fatima Kai- Sev's mom.



Kaya ako nandito sa Chelsea ngayon. Hindi ko nabalaan si Sev sa pagpunta ko dito.



Ang kapreng 'yon. Naging distant nga siya tulad ng sabi ko kay Gran noon. Siguro nga ay talagang naging busy siya sa school kaya hindi man lang siya nakaalalang mag e-mail o magmessage man lang.



Kismet:YuanfenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin