Lost and Found

18 6 8
                                    

You know the feeling of being lost in the sea of people and the moment you felt your hope of escaping is slipping out, a pair of hand grabs you and lead you out of that place?



That's exactly how I feel right now- relieved, found .



Parang biglang nagkaroon ng panibagong supply ng oxygen ang puso kong hindi makahinga ng maayos kanina.



Hindi ko nakita ng maayos ang taong nakayakap ng mahigpit sa'kin ngayon pero sapat na ang nararamdaman kong securtiy para makumpirma na siya nga ito. Ang kapre ko.



"Hindi ako makahinga." Mahinang sambit ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya.



"Ako din naman eh."



"Huh?" Napamaang ako sa kanya.



"I missed you Sweet cheeks."



Kumalas ito sa pagkakayakap at nakangiting tumingin sa'kin pero nakunot ang noo nito ng makita ang namumulang mata at ilong ko.



"Sino'ng umaway sa'yo? Halika nga. Isusumbong natin sa principal ninyo." Dumilim ang mukha niya sabay hila sa'kin paalis sa inuupuan ko.



Hindi na'ko nakapalag sa panghihila niya dahil mukhang seryoso naman siya. Ayoko ngang basagin ang trip niya. At natakot din ako dahil madilim ang mukha niya ngayon. Ang iilang nakasalubong nga namin na kakilala ko ay umilag sa'min dahil sa mukha niya.



Medyo paikot ikot na kami at pagod na din ako sa kakahila niya nang naisipan ko hilahin ang gilid ng damit niya.



"Uy Sev."



"No, kailangang magbayad ng umapi sa'yo."



Ano daw? Ang OA talaga ng isang 'to. Ano'ng akala niya sa'kin? Si Cinderella sa isang teleserye?



"Sev." Tawag ko ulit sa kanya.



"Hindi ka dapat pinapaiyak ng kung sino lang."



"Kasi Sev-"



"At di ba sabi ko sa 'yo alagaan mo ang sarili mo ha?"



"Oo nga, pero kasi-"



" And look at you. Ilang weeks lang akong nawala may nagpaiyak na sa'yo. Hindi ko na alam kung kung ano'ng gagawin ko sa 'yo."



"Pwede makinig ka nga."



"Makikinig ako mamaya, 'pag naparusahan na ang nagpaiyak sa'yo."



"Tumahimik ka nga muna!"



Nagulat naman ito ng bigla akong sumigaw. Tumingin ito ng nagtataka at nakabuka ang bibig sa 'kin .



"Kanina pa 'ko nagpapahila sa'yo at kanina pa tayo paikot ikot dito. Pero hindi ka nakikinig. Alam mo ba kung asan ang principal's office ha?"



"Ah, eh. No?" Napakamot ito sa kilid ng noo niya.



Natampal ko ang noo ko at pinamaywangan siya. "Look, walang umaway sa'kin. Kaya ko ang sarili ko at umiiyak ako dahil tama ka, I was upset. May mga sleazy bullies kasi kanina na napagtripan ang kaibigan ko at nasaktan ako para sa kanya. Maliit na bagay para ilapit sa Principal hindi ba?"



Nakatingin lang siya sa'kin na para bang may iniisip at may nais sabihin pero tumahimik lang siya.



"Ok ka na?" Pukaw ko sa natigilan niyang anyo.



Kismet:YuanfenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon