Beerday

12 6 6
                                    


Kasalukuyan kaming naghahapunan sa bahay ngayon at naitanong ni Gran ang tungkol sa'min ni Sev.



Huminga ako ng malalim bago pinalungkot ang mukha ko.



"Lately po Gran ay hindi na kami masyadong nagkakausap. Busy po siguro siya sa commitments sa school ganun din naman ako. Hindi nga po niya naalala na birthday ko na bukas." Yumuko ako at mabagal na ipinagpatuloy ang pagkain.



Ito ang napag-uasapan namin ni Sev. Dapat ipakita namin na unti-unti kaming nagiging distant at busy sa isa't-isa




"Ganoon ba? Don't be weary apo, school day pa naman ngayon kaya sa next day na natin ipaghahanda ang kaarawan mo. I'll drop a call to Fatima para makausap niya si Sev."



"Ha?Opo Gran." Napangiwi akong tumango.



I made a mental note na tawagan si Sev pagkatapos nito para magawan niya ng paraan na hindi malaman ni Gran na pumarito siya sa Pilipinas. Magba-backfire ang plano 'pag nagkataon.



Hindi na sumagot si Gran at natahimik ito habang may malalim na iniisip.



Sana maisip niya na hayaan na lang kaming pumili ng malaya kung ano'ng gusto namin. Bakit kaya naisip nila ng Lola ni Sev ang ganitong arrangement?

.....




" Happy birthday Ms. Sheena Therese Ylagan Palma! We love you! Muwah!"



Napatakip ako ng tenga sa sobrang sakit sa eardrums ng mga kaibigan ko. Pagbungad ko pa lang sa entrance ay nandito na sila at talagang inabangan ako. Nakakahiyang mga kaibigan.



Pagkatapos nila 'kong durugin sa yakap nila ay nakahinga ako ng maluwag. Nagsabay sabay pa sila ng suggestions kung paano e-celebrate an birthday ko.



Hindi ko naman masyadong pinansin ang mga pinagsasabi nila dahil natuon ang pansin ko sa lalaking nakabunggo sa'kin, or more like, sinadyang bumunggo.



Bukas ang polo uniform nito at may black shirt sa loob. May kaakbay itong babae at ni hindi man lang humingi ng sorry.



Naningkit ang mata ko at napataas ang kilay ko sa likod niya at hinihiling ko na maging laser ang mga mata ko.



Lumingon ito bigla kaya nahuli niya ang masama kong tingin. Hindi naman ito nagulat bagkus ay mas naaliw pa ito sa reaksyon ko.



"Sheen!" Sigaw ng mga kaibigan ko.



"What!?" Napasigaw na din ako. Basag na eardrums siguro ang regalo ng mga 'to sa 'kin eh.



"Payag ka sa suggestion ni Chin?" Tanong ni Jade.



"Yeah sure." Baliwala 'kong sagot. Eh di sila na ang may birthday.



"I knew it. Siguradong mag-eenjoy tayo sa resto-bar na'yon." Masayang wika ni Chin.



"What resto-bar?" Naguguluhan 'kong tanong.



Nag-rolleyes muna ito bago nagpaliwanag. 'Yon pala ang suggestion niya kanina pa. Kakain daw kami sa bagong resto-bar sa Metropolis mamaya. At patuloy pa siya sa mga detalye, pero may naalala 'ko.



" Teka, teka. Bukod sa may curfew ako ay hindi pa 'ko nakapag-paalam kina Gran at Mama."




"Done." Simpleng sagot ni Aki ng nakangiti.



Kismet:YuanfenWhere stories live. Discover now