Getting Over

16 3 6
                                    


"Let me take care of you."






Nagpagulong ako sa kama habang bumabalik sa isipan ko ang nangyari sa studio. Those words had me as if he meant taking care of my sprained leg and my heart pero bawal mag-assume.







"From now on, I am going to protect you and make you smile. Hindi ka nag-iisa. Let's start from square one."






When Claude said those words, it made me hope for something better. Parang nabuhayan ako ng loob na magiging ayos lang ang lahat dahil may mag-aalaga na sa'kin. Dahil nandyan siya para sa 'kin.






I groaned once again and buried my face on the sheets. Hindi pa nga ako nakakaget over sa isang basag na puso ay may nagbabadya na namang isa. Pero bawal nga mag-assume ano ba naman 'yan Sheen.






Paano naman magkakagusto ang isang bully na tulad niya sa isang prude na tulad ko? Wala nga siyang ginawa kundi mangulit eh. At hindi naman yata tama na asarin ng isang lalaki ang nagugustuhan niyang babae. Todo bagsak sa pogi points 'yon.






Naputol ang pag-iisip ko sa tunog ng cellphone ko sa mesa. Sinagot ko ang tawag mindlessly and boy was I more alert when I heard Aunt Fatima's voice on the other line.






"Aunt Fatima?" Tanong ko nang hindi humihinga.







"Oh dear, we missed you a bunch. How are you? We haven't heard from you for a few weeks."






Napataas ang kilay ko sa ginamit na panghalip ni Aunt pero pinigil ko ang mapasinghal. ""We' daw eh. If I know, siya lang ang nakamiss sa'kin. How'd I know? Siya lang naman kasi ang ang palaging tumatawag at nangangamusta sa'kin. Siya lang ang nakakausap ko. I never dared ask about him but Aunt would just fill me in about his whereabouts kahit hindi ko pa itanong.






"I'm fine Aunt and I missed you so bad as well. I've just been so busy with school and prom." Napangiwi ako sa huling rason ko dahil ang totoo ay hindi ako interesado sa prom. Pero kakanta si Aki sa event kaya kailangan naming pumunta doon para suportahan siya at dahil na rin sa kaming sophomores ang in-charge sa gaganaping event. Para kasi 'yon sa juniors and seniors kaya kaming sophies ang naatasan sa mga paghahanda.







Nakarinig ako ng mga tawanan na parang naghahabulan sa background ni Aunt na ikinakunot ng noo ko. The voices sounded too far kaya mahirap malaman kung boses ba 'yon ng mga bata. May pamangkin pa ba si Aunt?






"Hey, Aunt? Do you have children in there? Oh, I don't want to keep you up if you have important matters to attend."






"Oh no. Yes, I have Big, children here. Wait sweetie." Natatawa nitong sambit sa kanilang linya emphasizing 'big' bago ko narinig na sumigaw siya sa background sa mga nagtatawanan to keep the noise down.






"Sev and Sarah are running around the house, shouting and goofing around like kids. Sorry about that Hun. It has been ages since I last saw the two of them together. Would you like to talk to Sev? Tatawagin ko." Narinig ko ang pagtawag nito kay Sev.






"No! I mean, 'Wag na po. Tinatawag na po ako ni Gran sa baba. Love you po Aunt. I'll call you again. Bye bye." Pinatay ko ang tawag at kagat-labing binaon ang mukha sa unan.






God. I felt a familiar punch in my gut. Akala ko ok na 'ko, na kaya ko nang harapin siya, pero hindi pa rin pala. Masakit marinig at malaman na masaya sila habang naghihirap ang loob ko. Mas masakit palang marinig 'yon mismo kaysa sa pinapaniwala ko lang ang sarili ko sa kung ano ang totoo.






Kismet:YuanfenWhere stories live. Discover now