Princess Tutu

16 7 3
                                    


Frustrated kong ibinaba ang cellphone ko nang makitang hindi man lang nagtext ang kapreng 'yon ngayong araw.



Kahit smiley, tuldok, question mark, kahit blank message ay wala. Ano'ng klaseng educational system ba meron sila at wala man lang siyang time magtext?



At bakit ba para akong clingy at nagging girlfriend dito? Dinaig ko pa ang asawa sa reklamo ko.



Ibinalik ko sa bulsa ng bag ang cellpone at nagpatuloy sa paglalakad. Pauwi na 'ko from our ballet practice, isang bagay na naeenjoy ko dahil exemption 'to sa curfew.



Ilang weeks na din nung makaalis si Sev. Parati kaming nagtatawagan at nag-uusap sa phone or videocall.Kahit ilang milya ang layo niya ay nagagawa pa ri niya 'kong inisin pero hindi ko din maitatanggi ang saya at assurance kapag nakakausap ko siya.



I guess kaya ko din siya natatarayan ng ganoon dahil komportable na 'ko sa kanya. Nalukot naman ang mukha ko ng maalala na hindi man lang niya naalala na birthday ko na bukas.



Bakit naman niya kailangang maalala? Hindi naman kami, as in totoong kami. Ang tanga ko lang. Natampal ko ang noo ko. Hindi ko nga naitanong sa kanya kung may girlfriend ba siya. Maybe later.



Napatigil ako ng may marinig na sumisitsit. Lumingon lingon ako para tingnan kung sino 'yon pero nang wala naman akong makita ay nagpatuloy ako sa paglalakad.



Napahinto ako ulit ng may marinig na mga tawanan sa bandang unahan.



Sa may gilid ng gym ay may mga estudyanteng nakatambay sa bleachers. I know their type.Bullies.



May napadaan na isang freshman doon at ng makita ang mga bullies ay napayuko at mabilis na nilagpasan sila. Pero may sumigaw na isa sa mga 'yon calling the poor guy a cry baby and something about his family.



Mga junior students sila sa SKY U at kilala na silang apat for their reputation in bringing trouble and being bullies. Palibhasa mga mayaman at puno ng yabang sa katawan dahil sikat daw sila. Pero may isa silang kasama na ngayon ko lang ata nakita.



Transferee ba siya? Hind ko lang siya siguro nakakasalamuha dahil ayokong masangkot sa kahit anong gulo. I've never been in the guidance office and never committed any offense against the school rules. Blame Gran for that dahil natuto akong sumunod sa mga rules.



Liliko na sana ako para umiwas pero nakita kong dumaan ang isang babae doon, si Mia. I know her. Naging magkaklase kami sa middle school nina Aki. I heard snickers from the bullies noong papalapit siya sa kanila.



She was wearing an oversized black jacket over her uniform. Most of her long hair is covering her face and her eyes were black with eyeliner.



Goth girl, emo girl, freak, sadako. Those are names assorted with her but I know better. I've known her enough and I'm one of the few who can understand her.



"Hey, Goth Girl."Tawag ng isa sa kanila.


"Whoah. Nice jacket. Where did you get it? Relief packs?" Nagtawanan na naman sila.



Naikuyom ko ang kamao ko sa kawalan ng modo ng mga unggoy na 'yon. Ang jacket na sinasabi nila ay parating suot ni Mia, uminit man o umulan. Some may find it weird, but I don't.



Tumayo ang hindi ko kilalang lalaki at tumigil 'yon sa harap ni Mia with a sly smile.Dumukwang ito at parang may kinuha sa balikat ng jacket.



"What's this? Is this paint?" He feigned innocence as if hindi niya alam kung ano ang pintura.



Jerk. If I know any better, sila siguro ang may gawa noon sa kanya.May mga splash kasi ng pintura ang jacket ni Mia. Nagtampalan pa ang apat sa likod as if nakakatawa talaga 'yon.Primates. 



Mia's shoulder shook. I don't know if dahil sa galit or sa pag-iyak. My heart was crushed with this. Naging kaibigan ko din siya. I can't just watch here. I need to slap that sly smile off his face. Pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Mia.



"You have no idea what you have done! You ruined it!" She was red and fuming with tears in her eyes.



Napaatras naman ang lalaki at itinaas ang mga kamay.



"We didn't do anything." He was trying not to smile pero umangat pa din ang gilid ng labi niya.



Hindi na nagsalita si Mia.Tiningnan niya ng masama ang mga lalake at tumakbo paalis. Dumaan siya sa harap ko habang marahas na hinahawi ang mga luha. Susundan ko sana siya pero I thought otherwise. Binalingan ko ng masamang tingin ang mga bullies.



May kinuha ang lalakeng 'yon na lata ng pintura sa ilalaim ng bleachers. Nag high five pa ang mga ito at nagtawanan.



"Paint plus Goth girl equals Rainbow Goth girl." Pagmamayabang nito habang nagpahayag naman ng pagsang-ayon ang apat.



I was in front of them in no time. Nagagalit ako para kay Mia at sa mga estudyanteng kinakawawa nila. I have never ever met anyone as vile and hideous as them.



Naturingan nga silang mga gwapo pero walang kasimpangit ang mga pag-uugali nila. I couldn't imagine the trouble their parents had in handling them. No wonder the guidance counselor lose hope in calling their attention.



Pwede ko silang isumbong pero I doubt kung maaksyunan 'yon ng tama. Their parents could settle it easily. I'm sure the faculty will be eager enough to let them graduate and be out of the school . I know Ate Kei can do something about them. She's Aki's sister and the Vice President of the Student Council and she won't take any of this easily.



But what could I do? Andito na 'ko. Nakatayo with my tights under my pullover,hawak ang pink tutu ko at kaharap ang 5 notorious bullies ng university.



Kung sana nandito ang mga kaibigan ko pero wala dahil nauna na silang umuwi. Napatigil sa pagtawa ang 4 na lalaking nakaharap sa'kin pero ang di ko kilalang lalake ay nakatalikod sa'kin at oblivious pa din.



Napatigil din ito sa pagmamayabang at dahan dahang humarap sa'kin. I crossed my arms and put my battle mode face on.



His smile widened when he saw me. Parang naaaliw itong yumuko sa'kin at nag curtsy.



Ano'ng akala niya sa sarili niya? Isang knight? I scoffed in my head at gave him my annoyed look.



His friends snickered at the back and it only amused him more.



"So, what can we do for you...



...
Princess Tutu?"

..............



Author's Note:


Whohooo! Andyan na siya! Sino? Read to find out.




PS: No offense meant to any particular person or group of people (Goths, Emo) in here. I hope I didn't offend anyone with the situation given. And I hope the lesson would overpower the discrimination given here as an example.

Para kay Love8wensheSMILES
na nangangailangan ng update.
I'll leave you hanging here, on the other hand,this is still an update.


~JC

Kismet:YuanfenWhere stories live. Discover now