Instant Boyfie

27 9 10
                                    

Nagising ako sa pagka-shock nang biglang may nagflash sa harap ng mukha ko. Huli na para maagaw ko ang camerang itinutok niya sa'kin.



"Hahahahaha." Tawa nito habang hawak ang tiyan.



I gritted my teeth at him. Ang sarap hilahin ng buhok niya ngayon. Tingnan ko lang kung makatawa pa siya.



"Your face was priceless.Hahaha. That'll be my favorite photo from now on."



Unaware pa rin siya sa mga matatalim kong tingin kaya binuksan ko ang pinto at mabilis na lumabas. Kaya pala napagtripan niya 'ko dahil nandito na kami sa labas ng bahay.

Nagpatiuna akong pumasok sa gate ng hindi siya hinihintay. Sinara ko na din ang gate pagkapasok. Mahirap na. May kapre sa labas.



Ang kapal ng mukha. Hindi ko inaasahan na naloko niya 'ko kanina. Akala ko talaga nagbago na ang isip niya tungkol sa usapan namin. Ang sarap niyang ilagay sa bote at ipaanod sa ilog. Nakakagigil.Arrrgggh!



Dirediretso akong pumasok sang sala habang nagpapadyak.
Naabutan ko sina Mama na naghahanda ng mesa sa dining room.


Nagmano ako kay Gran at humalik kay Mama.



"So, how was it apo?"Interesadong tanong ni Gran.


"It was fine po Gran."Pinasigla ko ang boses ko at ngumiti.

"Eh nasaan na si Sev anak?" Nagtatakang tanong ni Mama.



"Ahm..ano po kasi Ma..sumama po ang pakiramdam niya. Jetlag po siguro." I said while crossing my fingers at my back. I really need a confession para sa mga pagsisinungaling ko.



"Ganun ba? Sayang naman. Gusto ko pa sana siyang makilala at makita ngayon."



"Ahehehe.Oo nga po Gran. Maybe next time po ."



"Sige na maghugas ka na ng kamay at ng makakain na tayo." Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang umuwi na din si Sev dahil hindi ito sumunod .



Naka-ilang hakbang ako papunta sa kusina ng tumunog ang doorbell.



Uh-oh.
Sino'ng nag-imbento ng doorbell? Sino?!


Nakagat ko ang labi ko ng lumabas si Mama para silipin kung sino ang bwesita namin- na alam na alam ko naman kung sino.



Lumakad takbo ako papuntang kusina at mabilis na naghugas ng kamay bago lumabas.



Naririnig ko na ang boses nina Mama at Sev na parang nag-uusap.



"Opo, nakalimutan ko po kasing ibigay ito kaya bumalik po ako. Oh, hi Sheen."



Napangiwi ako ng nagwave siya sa'kin with a smile. Ang kapal ng mukha mo kapre ka.



"Oh iho, I'm glad to finally meet you. You've grown so tall and handsome."Yakap ni Gran dito as if matagal na silang magkakilala.

Kismet:YuanfenWhere stories live. Discover now