Touch my Hair, Not

17 7 6
                                    

You know the kind of dread when the thing that you're trying to avoid just simply showed itself right in front of you?


'Yun ang nararamdaman ko ngayon nung makita ko ang kotse niya sa harap ng bahay namin.


Sheez. Pero ano'ng ine-expect ko? 'Yon ang ipinunta niya sa Pilipinas- ang makilala at mapalapit daw sa'kin.


Pumasok ako sa bahay with careful and calculating steps.


I felt him even before I saw him. I slowly turned to my farther side sa may garden ni Gran. Kaharap niya si Gran na nakatalikod sa 'kin. Nakasuot siya ng gardening gloves habang si Gran naman ay abala sa pagpapakilala sa kanya sa mga tanim nito.


Hindi naman siya mukhang nabobored sa ginagawa o sinasabi ni Gran, bagkus nakangiti pa ito ng magiliw sa kanya.


Naramdaman siguro nito na may nakatingin sa kanya kaya bago pa sana siya tumingin sa gawi ko ay dahan-dahan akong naglakad papasok sa pinto.


Sana. Sana nga lang. Dahil nakita niya 'ko kaya kumaway ito at tinawag ang pangalan ko na para bang matagal na kaming magkakilala.


Feeling close siya masyado. I don't have a very good feeling about this.


Wala akong nagawa kundi lumapit sa kanila. I kissed Gran dahil hindi ako makapagmano sa kanya dahil sa gloves na may mga lupa.


" Apo,I was just showing Sev my lovely dearies. At tinulungan niya din akong tanggalan ng weeds ang mga ito. Isn't he the sweetest?" Nakangiting turan ni Gran.


"Ahm, opo Gran. Mukhang mahilig po talaga siya sa mga tanim at halaman." Nakangiti kong wika.Do I have a choice?


"Must be the perks of being an elemental being." Bulong ko na hindi nakawala kay Sev dahil napatingin ito ng masama sa'kin.


"You two go ahead inside . Sheen asikasuhin mo ng maayos ang bisita natin at ako naman ay kakausapin pa ang mga mahal kong bulaklak."


"Opo Gran. Pero be sure po na pumasok kayo after that. Don't stress your self out remember?" Paalala ko kay Gran bago pumasok sa bahay kasunod si Sev.


.......

"So Miss Pink, aside from yor snide remarks and fondness of pink and bows what else are your interests?"


Napaangat ang tingin ko sa kanya mula sa pagsasagot ng assignment ko.


Bumubuklat ito ng ilang libro sa study room habang prenteng nakaupo sa isang couch doon. Habang nakacross- legged Indian position naman ako sa carpet dahil masyadong mababa ang mesa sa pagsusulat.


Dito ko siya dinala dahil hindi siya pwede sa kwarto ko at meron pa'kong mga school works na dapat gawin bago magrosary.


"Seryoso ako sa witchcraft." Simple kong sagot bago ko ipinagpatuloy ang pagsusulat.


Hindi ko na siya narinig o pinansin ulit dahil hindi naman niya 'ko kinulit. I was too engrossed sa sinasagutan ko.


Naramdaman ko na lang na parang may dumukwang sa likod ko. Kung horror movie siguro 'to ay kanina pa 'ko hinimatay dahil may ilang hibla ng buhok ang nahulog sa kanang bahagi ng mukha ko. Wala akong bangs at siguradong hindi akin 'yon dahil nakatali ang buhok ko ngayon.


Dahan-dahan akong lumingon sa ulo sa tabi ko at naningkit ang mata ko ng makita si Sev na nakaduwang sa sinasagutan ko. Nakakrus ang braso nito sa sa dibdib na parang Professor na nagchecheck ng gawa ko.


"Hmmm.Turkey."


"What?" Takang tanong ko sa kanya. Gutom na ba siya. Marahil dahil hindi ko nga pala siya inalok ng pagkain. Yay. Lagot ako kay Gran 'pag nalaman niya 'to.


Bumaling ang ulo niya sa'kin,
"Constantinople is Turkey now. It's the answer in number 5. You skipped it."


Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil nung bumaling siya sa'kin ay naamoy ko ang buhok niya at bahagya 'yong tumama sa pisngi ko.


Pwede bang maging ganun kabango ang buhok ng isang lalaki? Imposible. Ang bango at ang lambot talaga ng buhok niya. Parang gusto ko tuloy hawakan at haplusin ang buhok niya.


Nabigla na lang ako ng bigla niyang dutdutin ang ilong ko. Nagkanda duling ako sa kakatingin sa hintuturo niyang nakahawak ngayon sa dulo ng ilong ko. Pinalis ko ang daliri niya at inangilan siya.


"Nakikinig ka ba sa'kin o masyado kang namesmerize sa gwapo kong mukha?" Pang-aasar nito.


Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi niya na ikinatawa pa niya. Bumalik naman ako sa pagsusulat kunwari. Naririnig ko pa ang mahina niyang pagtawa sa gilid ko pero hindi ko na siya pinansin. Ako lang ang napapahiya eh.


"I said Turkey Sweet cheeks."


"I know right." At isunulat ang Turkey sa number 6.


Tumawa naman ito ng mahina. Ano bang problema niya? Itampal ko kaya sa gwapo niyang mukha ang notepad ko? Wait, undo, kapre niyang pagmumukha I mean.


Napapiksi ako ng hawakan niya ang kamay kong may hawak ng lapis at ituon 'yon sa number 5.


"I said number 5 sweetheart." Mahina nitong sabi at isinulat ang sagot habang hawak ang kamay ko.


Hinigit ko naman ang paghinga ko. I was afraid to take in another breath.


Natatakot din akong baka marinig niya ang kalabog ng puso ko dahil sa sobrang lapit niya. Naamoy ko din ang buhok niya at para talaga kong hinihila para hawakan 'yon.



The next thing I know I simply tucked the loose strand of his hair sa likod ng tenga niya at hinaplos 'yon.


Before I knew it, He was stiff beside me and his grip on my hand loosened.Bigla siyang napatayo na ikinagulat ko din.


I was shocked, embarassed and dumb-founded with what I have done. I was surprised as well sa kapangahasan ko.


He looked so surprised and lost as well. I saw sadness and confusion cross his eyes.


I bit my lower lip habang nakatingin sa madilim niyang anyo. I was about to say sorry pero tumalikod ito at tinungo ang pinto palabas.


Tumigil muna siya sa harap ng nakabukas ng pinto at mas napahiya pa'ko sa sunod na sinabi niya.


"Never, ever, touch my hair like that again."


Kasabay ng paglabas niya ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko ngayon. It feels like my stomach has been constricting closing me out of air.


Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili ko?


What's with his hair? Bakit siya umakto ng ganun sa simpleng paghawak ng buhok niya?


And most importantly,



Was I hurt?


..............

Author's Note:

I feel for Sev. Hindi naman sa ayokong may humawak sa buhok ko. Minsan naiirita 'ko at nabo-bother kapag may humahawak sa buhok ko. Ahehehe.(Maarte lang si hair,o ako lang ang maarte?)

Kawawa naman si Sheen.╯ω╰

~JC

Kismet:YuanfenWhere stories live. Discover now