New Chapter

6 1 1
                                    

5 Years onwards



"Grace, please monitor the deliveries when I leave. Sasaglit lang ako kay Gran. I'll be back before closing. Thanks." Bilin ko sa assistant habang mabilis na binitbit ang paso ng white lace leaf, bago pinaandar ang kotse paalis.



Sinusubok kong bisitahin si Gran araw araw kahit na anong hectic ng schedule ko. Ang pag-aasikaso ng isang flower shop at botanical garden ay hindi biro, idagdag pa ang pagiging part time professor ko sa isang kolehiyo bilang isang botanist.



Nakakatuwang isipin na namana ko kay Gran ang pagmamahal niya sa mga halaman. Nakakamiss din si Gran at si mama. Si ate naman ay nasa Rome ngayon at nagrerenew ng vows niya.



Nagawi ang paningin ko sa billboard ng isang sikat na modelo.

Grabe talaga si Jade.



No. Hindi siya ang modelo, bagkus, siya ang utak sa likod ng damit nito. Isa na kasi siyang fashion designer. Si Aki isang artist. Si Chin, of all jobs I could think of for her, hindi ko lubos maisip na magiging isang guro siya. Si Zen ay naging Psychiatrist at Guidance Counselor. Si Joy naman isang singer. Si Claude-...



Speaking of him.Tiningnan ko ang nagriring kong phone at sinagot 'yon.



"O ulap kamusta? Ano? Magdadala ka naman ng bagyo dito sa Pilipinas. Pagbigyan mo na si Nana. Minsan ka lang naman umuwi diyan. I'm fine, pupuntahan ko si Gran. Yeah. You take care as well. Bear with Nana please. Send my hugs to her Mwuah." Tinapos ko ang tawag na may ngiti sa mga labi.



Claude never changed. Ayaw pa rin niya ng tinuturing siyang bata ni Nana, ang lola niya. Pero wala siyang magawa dahil sweet talaga si Nana.Ilang beses ko na rin siyang nakita at napakabait nito. Nagkasundo nga silang dalawa ni Gran kahit magkaiba ang mga ugali nila.



Tumigil ako sa pamilyar na gate at bumaba ng kotse dala ang pasalubong kay Gran. Tinahak ko ang daan papasok . Nakita ko ang pamilyar na mga bulaklak na itinanim namin ni Claude at napangiti sa alaalang 'yon.



Nakikita ko na si Gran sa gitna ng mga halaman. Siguradong matutuwa siya sa dala ko.



" HI Gran. I brought you something." Naupo ako sa damuhan at inilapag sa tabi ng marmol ang paso.

Pinalis ko ang iilang dahon na nahulog sa lapida ni Gran at nagsindi ng kandila.

"It's been 4 years Gran and I am still missing you so bad."



Pagkatapos ng graduation ko ay masaya pa kaming nagsalu-salo. Nagkausap pa kami ni Gran tungkol sa kursong pipiliin ko. Ang hindi ko alam ang at hindi naming napaghandaan ay ang tuluyang pagsuko ng katawan niya sa cancer.

Kismet:YuanfenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon