His

11 5 6
                                    


I want to punch my self right now. I hope my hearing was just fooling me or I just heard wrong.



Is she asking for a break-up? Not that we have a 'real' relationship afterall. But, Sheen asking for it hit me hard.



"What?" ulit ko.



"Ahm. Kasi, sa tingin ko masyado nang pabigat para sa'yo ang intindihin ang pekeng relasyon natin. Kaya kailangan na nating isagawa ang ikalawang phase ng plano."



Tumalikod ito at nagkibit balikat.



"Who knows kung ano pa ang mga aces nina Gran in case this one won't work?"



Tama siya. Heavens! She's right but I can't make my self believe it. May parte pa rin sa 'kin na tumututol pero hindi dapat. Tanga na kung tanga. I have enough issues to keep her off me but I can't get her off my system.



Pruweba noon ang ilang araw na paghahanap ko sa mga ngiti at sarcastic remarks niya nang mga unang linggo ng pag-uwi ko dito.



I'm starting to care for her, that, I'm sure. Paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko kapag nandyan siya o kahit wala siya sa paningin ko?



At hindi ako manhid para hindi maramdaman na kahit konti ay nagsisimula na din siyang ma-attach sa'kin. Ayokong mangyari 'yon dahil mas masasaktan lang siya.



"If, that's what you want." I softly said.



Narinig kong tumawa ito ng pagak bago humarap sa'kin.



"What I want? More like, what you hinted."



Nakikita ko ang pait sa mga mata niya. I hate to do it to her. Ayokong nakikitang malungkot siya.I took in some air and filled my lungs bago marahang ibinuga 'yon.



"You are starting to feel something for me." I stated quietly while looking at her intently.



Natigilan siya at mukhang hindi inasahan ang sinabi ko.


"No!"




Nanlaki ang mga kulay tsokolateng mata niya at napaawang ang kanyang mapupulang labi. Kumunot ang noo nito at nagsimulang kumalat ang pamumula sa mukha niya kasabay ng marahang paghugot nito ng hininga.



"Hindi ako nagtatanong Sweet Cheeks." Napangiti ako sa reaksyon niya at hindi napigilang ibalik ang nakahiligan kong itawag sa kanya.



"You." Hindi makapaniwala nitong sambit.



"Yes,I?"



"You..." Sabi nito habang nakaturo ang daliri sa'kin.



"I feel the same." I finished it for her.



She was speechless again. Ganito talaga siguro ang epekto ko sa kanya.



Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas.Kaya ipinagpatuloy ko ang kailangan kong sabihin sa kanya.



"But I have enough issues on my sleeve to keep you off me. I think the break-up will be good for us. Siguro napapalapit lang tayo sa isa't- isa dahil sa sitwasyon na mayroon tayo. Madalas naman 'yong mangyari 'di ba?"




Sunud-sunod ang pagragasa ng mga emosyon sa mga mata niya kasabay ang pagkurap niya.



"Could be. Pwede. Siguro nga." Tahimik nitong turan bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.



Kismet:YuanfenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon