Yuanfen

18 8 2
                                    

Nakasunod ako sa likod ni Sev ngayon dahil napag-utusan akong ihatid siya sa labas nina Gran.

 

“What now?”Tanong ko.



Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa’kin.

 

“We stick with the plan. We act as boyfriend-girlfriend. Then we find our way out.”

 

“Paano? Ngayon pa na naging instant boyfriend kita?Ano’ng susunod? Biglaang pagpapakasal?”

 

“Well, let’s see. Pwede nating idahilan ang long distance relationship at marami pang kadahilanan. Relationships usually have a lot to go through kaya hindi tayo mahihirapan na idissolve ang relationship.”

 

Tumango tango ako sa naisip niya. May punto siya doon.

“Well,mauna na’ko. Goodnight sweet cheeks or rather, girlfriend.” He smiled cheekily at me. Nagulat ako ng biglang bumaba ang mukha niya sa’kin.



My breath hitched when his warm breath fanned my face.

 

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko kaya hindi ko man lang namalayan na nakaalis na siya sa harap ko. Ngumisi pa ito bago tumalikod at pumasok sa kotse.

 

Napahawak ako sa pisngi ko. He kissed me. Sa cheeks nga lang. Hep- Hindi ako nanghihinayang ha.Wag nga kayo.

   

I just realized na masyadong marami akong itinataya sa deal naming ito. My family’s trust, my happiness, my moral values and especially my feelings.

 

Day one pa lang, nawiwindang na ‘ko. Kakayanin ko pa ba? Ano puso, kaya pa ba?      



.......


Nakangiting pumasok ang matanda sa kwarto niya mula sa terrace. Nasaksihan niya ang nagyari sa dalawang bata at masaya siya dahil kahit hindi siya sigurado sa ginawa niya ay mukhang umaayon naman ang tadhana sa kanila.

 

Alam niyang nasaktan niya ang apo niya sa ginawa niya.Pero sa nakita niya ay hindi na sila mahihirapan na tanggapin iyon. Sila ang nakatadhana para sa isa’t-isa.

 

Siguradong matutuwa ang kabigan niya sa langit dahil nagkakaroon ng katuparan ang mga hinulma nilang plano para sa mga apo nila. Looks like yuanfen is starting to take control of everything for them.

   

....

 

"Oh my God! Nakalimutan kong mag-aral!May exam ba tayo ngayon? Anong subject?”

   

Napatingin ako kay Chin na nagpapanic ngayon sa kakahalungkat ng notes niya. Napatigil naman sa pagkain sina Aki at Jade at naweweirduhang tumingin sa kanya.    



Mukhang nahalata naman nito na hindi kami gumagalaw kaya nag-angat ito ng tingin.

     

Kismet:YuanfenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon