Severus

18 7 4
                                    


Pagkatapos ng 'hair-incident' kay Sev ay medyo naging awkward na kami sa isa't-isa. Magiliw siya kina Mama at Gran pero parang hindi niya man lang ako nakikita 'pag dumadalaw siya sa bahay. Or worst, sinasadya niya na wala ako sa bahay 'pag nagpapakita siya. Hmp.


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang siya maka-react. Ginoogle ko nga kaya nalaman ko na meron talagang mga tao, or in his case, mga lalakeng ayaw na ayaw na hinahawakan ang mga buhok.


Ipinangako ko na din sa sarili ko na hindi na 'ko magiging impulsive. I should think before I act when I'm with him. Total control.


Ang unfair lang dahil siya 'pag naglalandi sa'kin ay ayos lang. Eh ako?Hinawakan lang ang buhok niya naging aloof agad. Ang arte talaga.


Kinatok ko ang salamin ng aquarium ko sa kwarto at gumalaw naman ang nakatungangang isda doon. Meet my angelfish Pearl. Puti ang major scales nito pero ang fins nito ay may blue green at ang mga mata nito ay pinkish. May ilang tint din ito ng yellow at pink sa ulo.


Siya ang nilalaro ko ngayon dahil may kanya kanyang lakad an mga kaibigan ko kaya stuck ako sa bahay. At eto, pinapakain ko na lang siya at kinakausap.


Poor fish. Nag-iisa lang siya sa malaking aquarium. Namatay na kasi ang kasama niyang si Bubbles last summer. Regalo sila sa'kin ng mga kaibigan ko. Sila ang nagpaset up ng aquarium na 'to sa kwarto ko kasama ang dalawang angelfish.


Noong nagkaphobia ako sa tubig dahil sa muntikang pagkalunod ay ito ang naisipan nilang therapy ko daw. Sana daw kapag nakikita ko 'to, maiisip ko na hindi nakakatakot ang tubig. Na meron daw magagandang bagay sa ilalim noon.


Simula noon ay medyo nawala ang takot ko sa dagat. Nagsimula din kaming magswimming together, or more like magbabad sa tubig. Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa kwarto ko.


Si Manang Cora siguro. Wala kasi sina Mama at Gran dahil binisita nila ang farm ngayon.Ang aga pa naman para kumain ah?


"Saglit lang po." Inihulog ko muna ang ilang granules ng pagkain bago patakbong tinungo ang pinto.


"Ano po-- "


Naningkit ang mata ko sa nakita ko. Bakit pinapasok siya agad ni Manang? At bakit ang gwapo niya kahit parang nahihiya siya na natatae o ano?


"Ahm." He scratched the back of his head slowly and he looks adorable by the way.


Pinagkrus ko ang braso ko sa harap at pinataasan siya ng kilay.


"I have something for you."


"Ahuh."


"Ahm. Wait a second. Let me get it for you." Mabilis itong tumalikod at may kinuha sa likod niya.


Nawala ang pagkakunot ng noo ko at nahulog din ang mga braso ko ng makita ko kung ano 'yon.


"I found out that your other fish died, so, ahm , here. I got you another one."


Tiningnan ko ang malaking transparent plastic na may laman na isang angel fish na kulay itim at may white stripes. Bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas. Nakatunghay lang ako sa isda na parang gusto nang lumabas sa supot.


"Sheen? I can change it if you want another-"


"Severus!"Putol ko sa sinasabi niya.


Nagtaka naman ito sa sinabi ko.


"He's Severus. I'll call him Severus from now on." I said smiling at nilapitan ang isda.


Kismet:YuanfenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon