Pang

11 1 1
                                    

2 months later...



Maraming nagbago sa mga nakaraang buwan.



Mas naging masayahin ako at madaldal, salamat sa tagapagturo kong si Claude. Kapag kasama ko kasi siya ay nasasabi ko ang nasa isip ko kahit minsan ay hindi magaganda ang mga 'yon. Si Claude ang panibagong nadagdag sa grupo. Tinuruan niya kong maging malaya na abot kamay ko naman pala kung nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na abutin at pangatawanan 'yon. Tinuruan din niya 'kong mambully. Minsan ay isang freshman at tinarget niya at inudyok akong ibully siya. Hindi ko talaga kaya kahit na anong pilit niya na para daw sa kapakanan nila. Noong hindi ko na matiis ang pang-aalaska nito sa pobreng bata at handa ko na siyang pigilin ay nagulat ako nang biglang sumambulat si Claude sa sahig hawak ang panga.



Naiwan akong nakanganga at si Claude na nakasalampak doon sa sahig. Noong marealize ko ang nagyari ay tumawa ako ng malakas at dinaluhan si Claude na tiningnan lang ako ng masama. The next day ay humingi naman kami ng tawad sa lalaking nagpakilalang Ben.



Mas naging open na rin ako kina Gran at masaya akong makausap siya ng walang restraints. Paborito naming hobby ang pag-aalaga sa garden niya. Ibinigay din niya sa 'kin ang portfolio ni Sev.



Nakaramdam ako ng konting kirot pero ayos lang, konti na lang. Kapag wala ng kirot ay ibabalik ko sa kanya ang portfoliong naglalaman ng mga pictures niya mula pagkabata, pati na rin ang pulang tali na sabi ni Gran ay ang tali ng tadhana na itinali sa mga hinliliit naming noong sanggol pa lang kami.



Nagbalik ang diwa ko noong tawagin na ang pangalan ni ate Kei sa stage para sa pagtanggap ng medal of service and honor. Pumalakpak kami para sa kanya.



Hay, ang sarap isipin na graduate na sila ngayon.Sila ni JM. Nagpalinga-linga ko para hanapin si Aki sa crowd. Nalungkot naman ako nang maalala kong aalis si Aki papuntang Japan. Mahirap para sa aming magkakaibigan na tanggapin na basta na lang siya aalis pero kalaunan ay natanggap naman namin na kailangan niya munang lumayo. Hindi din para umiwas pero para na rin tuparin ang mga pangarap niya at buuin ang sarili niya. Alam ko na isa siyang matatag na tao kaya magiging ok lang siya. Pero mamimiss ko talaga ang balahurang babaeng 'yon.



Napalingon ako kay Chin ng marahan niya 'kong siniko at ininguso si Aki sa likuran. Nagwewave ata para makatawag-pansin.



Kita mo 'tong babaeng 'to. Wala ba siyang pantawag at kailangan niyang magpapansin diyan? Itinaas ko ang phone ko to indicate na tumawag siya. Nakangiwi naman itong nagkamot ng ulo.

Tinanggap ko agad ang tawag niya.



"Maupo ka nga dito. Ano ba'ng kinakaway kaway mo diyan ha? Para kang nalulunod na isda."



Nakita kong sumimangot ito at nalaglag ang balikat pero agad din namang napalitan ng pagtaas ng kilay.



"'Yan. 'Yan ang natututunan mo kay Claude. Naku baka pagbalik ko dito sa bansa ay bully ka na rin."



"Hindi ah.He's good for me. At isa pa hindi naman siya ang pinag-uusapan. Nagdidrift na naman ang usapan. What are you freaking out anyway?"



"Come over here. "



"Huh? Why?"



"Basta. Come on, dali."



"Apurado? Teka." Mabilis akong tumayo at nagpaalam sa mga kasama ko.



Nakakunot ang noo kong lumapit kay Akira sa likuran at muntikan pa 'kong masubsob nang basta niya na lang ako hinila palabas ng auditorium. Inayos ko ang long sleeves ko na nahatak niya bago tumayo ng tuwid.



Kismet:YuanfenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon