Chapter 4

89.2K 1.7K 112
                                    

@Jethmom

As per your demand, introducing....Cass' papable! :-)


Guy's! don't forget to vote and drop a comment!

Sa mga susunod na chapter, I will dedicate each chaps sa mga readers na visible in voting as my way of saying thanks to you all..

**********

Kanina pa ako nakatitig sa hawak kong telepono, nagdadalawang isip.

Utos ng utak ko na huwag kong buksan, but my heart says otherwise.

Sa unang pagkakataon, nakaya kong tiisin si Alex at gusto kong panindigan ito hangga't kaya kong gawin.

 Nakaalis ako ng Maynila na hindi kami nagkausap kahit sa text man lang, kung inaasahan niya na mauuna akong tatawag sa kanya na laging nangyayari. Ngayon, buo ang loob ko na hintayin na siya ang mauna na gumawa ng hakbang na magkausap kami.

Masyado na niya akong tini-take for granted. If I survive this week na kaya ko siyang tiisin, plano kong ipagpatuloy ito hanggang sa pagbalik ko ng Maynila.

Kahit gaano ko kamahal si Alex, napapagod din ang puso ko sa pagwawalang bahala niya sa akin.

I turned off my phone  when I left Manila dahil sa sama ng loob. Besides, it's better this way. I won't get distracted of checking my phone for his messages na alam kong wala naman. Si Alex pa, hindi yun magkukusa kong hindi ako mauuna.

Tamang tama na naka schedule ang medical mission na pinag-boluntaryuhan ko na aakyat ng Sagada para magbigay ng libreng medical assistance sa mahihirap. I took advantage of this para mabaling ang isip ko sa ibang bagay.

Out of sight, out of mind.

And that's exactly I'm going to do. 

               

Sighing. Mabigat ang loob na binalik ko ang phone sa loob ng bulsa ng pantalon at sumandal sa upuan. Sinuot ko sa ulo ang hood ng jacket na suot ko and rubbed my hands together para magkarun ng heat friction. Magtatakip-silim na kaya lalong bumaba ang temperatura. Sa sobrang lamig, nakikita ko ang usok ng hininga ko.

Nasa ganun akong ayos, nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip nang may marahang tumapik sa balikat ko na napalingon ako sa likod.

"Tired?" si Dave, sabay pabagsak na umupo sa tabi ko, sumandal ito sa lamesa, paharap sa akin.

"I'm fine, you are the one who must be tired."

I watched him as he stretched his arms and massaged his shoulders, hindi niya na ako kelangan sagutin. Nakikita ko sa mukha nito ang sobrang pagod sa buong araw na pag aasikaso ng mga pasyente.

Iisang University ang pinapasukan namin ni Dave pero matanda siya sa amin ng isang taon.  He's known in  school dahil sa kaguwapuhan nito at sa daming babae na nagkakagusto, kabilang na si Liza. At kahit may Bryan na ngayon ang kaibigan ko, nanatiling crush pa rin nito si Dave.

How her face turned crimson na parang teenager sa tuwing makakasalubong namin ang lalaki sa hallway is beyond my understanding.

We never had the chance to socialize with him dahil nga ang mga ka-grupo nito katulad niya ring nasa senior level, kaya hanggang awkward na hello lang ang nasasabi dito ni Liza.

Nagkaroon lang ako ng chance na makausap siya ng naging magkatabi kami sa biyahe mula Maynila hanggang Sagada. Kaya nasorpresa ako na okay naman pala si Dave , masarap kausap at hindi mayabang tulad ng inaakala ko. At dahil wala kaming kakilala sa kapwa  kasamahan namin na volunteer maliban sa Isa't-isa, napagkasunduan namin na magkatabi na rin pati ang sleeping bag namin sa kuwartong tutulugan.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon