Chapter 12

76.3K 1.2K 62
                                    

Dedicated to ai_kieses sa mga nakaka-inspire at nakakatuwang mga comments :-)

My eyebrows furrowed, ngayon pa lang nakakaramdam na ako ng lungkot sa isiping mag isa lang ako mamaya sa condo na napabuntong hininga na lang ako. Isang linggo pa lang na sa condo ko natutulog si Alex tuwing gabi and I'm already addicted to his presence, that my place will not feel the same without him.

I pouted and crossed my arms na tumingin sa labas ng kotse, para akong batang nagmamaktol that I don't want to look at him.

"Bakit naman kaagad-agad, ni hindi mo nabanggit sa akin na uuwi ka pala ng San Diego." sumbat ko na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

"I'm sorry Pangs, I know it's sudden. Kahit ako hindi ko inaasahan na tawagan ako ni Papa at pinapauwi ora mismo."

"Pangs, look at me." sabi nito sa malambing na boses but I just ignore him. He leaned forward from the driver's seat at inakbayan ako, pilit na pinapaharap sa kanya. "How can I focus on my drive kung aalis akong lukot ang mukha mo."

Napilitan akong humarap dito and gave him a small smile. "Bumalik ka kaagad ha.." sabi ko sa mahinang boses.

"Of course Pangs! babalik ako agad and promise, I'll call you right away once I reach home."

"Ma-miss kita."

He sigh and pulled me closer at marahang hinalikan sa ulo. "I'll miss you more my panggu. Take care of yourself habang wala ako dito, uwi ng maaga at matulog ng maaga. Okay?"

Napangiti ako sa tono ng boses ni Alex, para akong bata na pinagsasabihan na bawal maglakwatsa. "Yes, daddy." biro ko dito.

He noticed the change in my tone na lumaki ang ngiti nito sa labi. "Haay salamat at nawala na ang tampuput ng panggu ko. Halika ka nga dito." hinila ako nito para kandungin, he adjusted his seat backwards so I can wiggle myself to his lap.

I wrapped my arms around his neck, his arms snaked around my waist to hold me. "Show me how much you miss me..give me something to dream of.."

He doesn't need to encourage me further. I crushed my lips to his, he opened his lips to welcome me and I plunged my tongue to the deep of his mouth, giving him exactly what he asked from me. I moaned as his taste filled my senses, our tongue battle for dominance, walang gustong magpapatalo.

"I love you so much pangs." he murmured as he continue kissing me.

"Come back soon." I whispered as I gripped his hair to deepen our kisses.

My smile disappeared once Alex's cars is out of sight.

Kung bakit naman kasi dati kaya ko na hindi ito nagpapakita sa akin ng ilang linggo pero ngayon, araw lang ang bibilangin ko na hindi kami magkikita pero parang taon na ang katumbas nito sa akin.

May downside din pala ang malaking pagbabago ni Alex, masyado akong nasanay na inaasikaso ako nito at nilalambing na parang hindi na ako mabubuhay na magkalayo kami.

Nakayuko ang ulo na naglalakad ako pabalik sa loob ng campus. Nagdadalawang isip kung papasok pa ako sa klase dahil nawalan na ako ng gana. My thoughts is so engrossed on how to survive without Alex na hindi ko napansin ang taong sumalubong sa akin, he grasp my arm so hard that I gasped from shock.

"G-Gio?"

"Who is he? sino ang kalandian mo?!" at lalo pa nitong hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko. Pinipigilan ko ang mapa-aray sa sakit, to avoid attention from other students na nakatambay sa labas ng school.

"Let go of my arms Gio! and for your information, wala kang pakialam kung may nilalandi man akong lalaki!" madiin ang salita na binatawan ko, I can't scream at him but I can make him feel of my anger.

Sleeping With My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now