Chapter 44

63.9K 1K 235
                                    

Dedicated to @ intime4truluv

Sorry guys, this is a very short update. I uploaded this in advance para lang hindi mahaluan ng kanegahan ang next chapter.

___________________________________________________________________

"How can Daddy eat kung pareho kayong nakaupo kay Daddy?" malambing na tanong ko sa kambal ng parehong gustong magpakandong sa ama nila habangg kumakain ng breakfast, at gusto pa ng dalawa na si Alex pa ang susubo sa kanila.

"It's okay baby, I can manage." baling sa akin ni Alex na nakangiti, natutuwa ito sa paglalambing ng mga anak namin sa kanya.

"Daddy is funny." humahagikhik na tumingala si Selena sa kanya. "Mommy is not a baby anymore, she's a big girl na."

Everyone laughed at the table of my daughter's innocent remarked at sa pangsisita nito sa Daddy niya.

"Before you and Kuya came, Mommy is my first baby..now I have three babies that I love very much." Alex explain amusingly

"Yuck! I'm not a baby anymore! I'm already big boy." our son strongly disagreed.

"You are more yuck Kuya!" she stucked her tongue out to her brother. "I saw Kuya kissed Lily in the lips and it was gross!" Selena wrinkled her nose na sumbong nito.

"You are gross! Lily is prettier than you."

"Lily is yucky! She has cooties!"

"No she has not!"

"She has! I saw them sticking at her hair! It's more than twenty!" I almost giggled when my daughter mentioned the numbers, hanggang twenty pa lang kasi ang kaya nitong bilangin.

"Kids, that's enough. What Mommy told you if we are eating?" I asked them in a firm voice, holding the laughter that's trying to escape in my throat.

"No fighting." sabay na sagot ng dalawa.

"Sino si Lily?" bulong sa akin ni Alex na naaliw sa away ng kambal namin.

"Kaklase nila sa kindergarten." I whispered back. "At crush ng anak mo."

"Really? ang bata pa ng panganay ko nakakahalik na, hindi lang sa pisngi, sa labi pa!" Alex ruffled his son's hair proudly.

"Ang apo ko, mana sa lolo. Maliit pa lang pero matinik na sa chicks." pagmamalaki ng Papa ni Alex.

"Where's the chicks lolo?" excited na tanong ni James sa Lolo niya sabay silip sa ilalim ng lamesa that made everyone burst into laughter. Akala ni James ang chicks na sinasabi ng lolo niya ay ang mga maliliit na manok.

Napuno ng ingay ng kambal ang hapag kainan habang aliw na aliw ang lahat sa kabibohan ng dalawang anak namin, habang ang Daddy nila hindi na magkakaundagaga at makakain dahil sa atensiyon na binibigay sa kanila.

Janet's POV

I gritted my teeth when Cass' shrieking scream split the air when Alex picked her up and threw her on the water playfully. Pinipigilan ang galit na dinampot ko mula sa lamesa ang kopeta na may lamang bubble wine at inubos ang laman nito.

Kung hindi bumalik si Cass, ako dapat ang nandun.

Ako dapat ang kasama ni Alex, ang nagpapasaya sa kanya..ang kayakap habang tumatawa ito.

Lalong tumitindi ang galit ko kay Cass habang pinapanuod ko silang lahat na nagkakasiyahan sa pool. Hindi lang si Alex ang inagaw niya sa akin, pati ang mga kaibigan ko!

Si Dave and Liza!

Nagtatagis ang mga bagang na napasulyap ako sa dalawang kaibigan ko na traidor. Wala ng ginawa ang dalawang iyun kundi dumikit kay Cass at kinalimutan na ako! ni hindi man lang nila ako kinampihan laban sa pang aagaw ni Cass kay Alex sa akin!

Mas pinaboran pa nila si Cass kumpara sa akin.

Dahil para sa lahat, si Cass ang laging bida.

Ang pinakamaganda!

Ang pinakamabait!

And me? I'm always the second choice next to her.

Mas malapit sa kanya si Liza.

Siya ang ginusto ni Alex at hindi ako!

But I will not be a second choice for long, lalo na pagdating sa pagmamahal ni Alex. My eyes lingers on him, on his hot and sexy body that I cursed myself. Masyado akong nagbait baitan nung panahon na akin pa siya dahil na rin sa pag aakalang I have all the time in the world to seduce him to my bed. Kung alam ko lang na lilitaw si Cass, matagal ko na sanang pinikot si Alex at nagpabuntis dito.

I forced myself to look calm and fake a smile ng makita kong papalapit sa akin ang babaeng kinamumuhian ko.

"Jan! why don't you join us?" nakangiti na aya niya habang papalapit ito sa kinauupuan kong lounge chair, hawak nito sa magkabilang kamay ang dalawang anak niya.

"It's okay Cass, wala akong baong swimsuit and besides, masaya na akong pinapanuod kayo."

"Manghiram ka kaya kay Olivia, kahit ako sa kanya lang din nanghiram." pamimilit ng impakta.

"Maybe next time, I'm not in the mood for swimming right now."

Hindi na ito umimik ng hindi ko maitago ang pagkairita sa boses ko. Bumaling ito sa dalawang anak niya at binigyan nito ng tig iisang baso ng tubig. Nakatayo sa harapan ko ang kambal kaya napagmasdan ko uli ang dalawa, but my eyes stayed longer on the boy, hindi pa rin makapaniwala kung gaano ito kamukhang kamukha ni Alex.

He could be my son..our son.

Something caught my eyes na napatuwid ako ng upo at ngumiti ng pagkatamis tamis sa batang babae na nasa harap ko. "Can I look at your bracelet, it's very pretty."

Hindi ito umimik, inirapan lang ako at nagtago ito sa likod ni Cass.

"Selena, Tita Janet wants to see your bracelet, why don't you show it to your Tita." pangungubinse ni Cass sabay hila mula sa likod nito para humarap sa akin pero lalo lang sumisiksik ang bata sa kanya.

"No!"

"Selena!"

"Okay lang Cass, huwag mo ng pilitin. Is that allergy alert wristband she's wearing?" pagkukumpira ko sa suspetsa ko.

"Yes Jan, my daughter has severe reaction to nuts and her case worsened dahil may asthma si Selena, her allergic reaction can turn into anaphylactic. Kaya pinasuot ko siya ng ganyang bracelet para aware ang mga taong nakakasalamuha niya, lalo na sa school na bawal siya pakainin ng pagkain na may halong nuts."

"Mommy, let's go! Daddy is waiting."

Hindi ko na nagawang magtanong pa uli dahil naiinip na hinila ng mga anak niya si Cass pabalik ng pool. I just nodded and smiled to Cass as she apologetically excused herself para bumalik uli sa pagsi-swimming, and my smile widened when my eyes landed to Alessander.

I like the boy.

I can be his mother.

Kaya kong tumayong Mommy niya at akuing anak ito lalo na at kamukhang kamukha ito ni Alex.

But not the girl.

Hindi ko kayang sikmurain maging ina sa malditang batang iyun. I hate her just like how much I hate her mother.

Dapat makausap ko na ang contact ni Gio sa madaling panahon at simulan na ang plano namin, dahil hindi na ako makapaghihintay na mawala sa landas ko ang mag ina that I already imagined a hundred ways to kill them.


Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon