06

28.4K 1K 84
                                    


CHAPTER SIX


"ANO'NG tawag sa masamang biyahe?" tanong ko doon sa batang nakasalubong ko.

"Ano po?"

"Eh 'di bad trip! Bad trip ako ngayon! P*cha." Inis akong umupo doon sa may bench sa tapat ng Dodgem (bump car ride).

Nakakainis na talaga. Kung alam ko lang na ganito, sana talaga hindi na ako sumama. Nakakairita. Mabo-bored ako nang sobra. Hindi ko kasi puwedeng ayain si Ziehl dahil family day nga 'to, kaya malamang ay kasama niya ang mama niya pati si Sleep.

Lupit ni Dade, eh. Paano niya natitiis na iwan akong magisa sa family day na 'to? Tss. Dagdag init pa ng ulo 'yong araw. Sobrang init at nakabilad lang ako! Crush yata ako ng araw dahil kahit saan ako magpunta, nakasunod sa 'kin.

Kalma lang, Blossom. Kailangan good mood ako lagi. Nag-inhale-exhale ako at saka tumayo. E-enjoy-in ko 'tong araw na 'to kahit mag-isa ako.

Nagulat ako nang makita ko si Sleep na naglalakad papalapit sa kinauupuan ko. Tsk, stalker ko yata 'yang Tulog na 'yan, eh. Kanina pa sunod nang sunod sa akin! Problema niya! Psh.

"Bad trip ka?" tanong niya sa 'kin.

"Nope. Hindi marunong ma-bad trip ang awesome na katulad ko."

"Great pretender. Kanina lang naiinis ka doon kay daddy mo, ah?"

"Eh, pakialam mo ba? Ikaw kaya iwan mag-isa! Matutuwa ka?! Kung alam ko lang talaga na busy si Dade, eh 'di sana 'di na talaga ako sumama."

"Eh, bakit ka kasi sumama? Baliw ka rin, eh."

"Aba, eh dinaan ako sa nguso ng Dade, eh! Teka nga, bakit ka nandito? Kanina ka pa sunod nang sunod sa akin, ah! Crush mo ako, 'no?!"

"Asa. I'm just being nice here."

"Being nice daw. Eh, ang sungit-sungit mo!"

"Yeah. Aminado akong masungit ako. But I'm not the silent type."

"Eh? Akala ko tahimik ka."

"Maraming namamatay sa maling akala," nakangising sabiniya.

"Eh, tutal naman nandito ka na rin lang, samahan mo na ako sumakay ng rides!"

"Sure. Iyan din ang gusto ko kanina pa. Kaso ayaw akong samahan ng kapatid ko. She's afraid of heights. Kaartehan ni Ziehl," nakakunot-noong sabi ni Sleep. Close na ba kami? Naks. Hinila ko siya papunta doon sa Anchors Away. Ito ang gusto kong unahin, eh. Sisiw!

Medyo mahaba ang pila kaya nababagot kami pareho ni Sleep kahihintay. "Tagal," reklamo niya habang naka-cross arms pa. Grabe, reklamador pala 'tong Tulog na 'to. Maya-maya ay kami na ang susunod na batch.

"Iyan na ho, Tulog, susunod na ho tayo."

"Tigilan mo ako sa tawag mo sa akin. Hindi ako natutuwa."

"Ayoko nga. Tulog!"

"Okay, Prim."

"Ay p*cha, huwag mo akong tawaging Prim! Bulok 'yon! Mas astig 'pag Blossom!"

"Nah, Prim."

P*cha talaga. Sumakay na kami sa Anchors Away at ang nakatutuwa ay sa dulo kami pumuwesto. Nasa dulo kasi ang thrill 'pag Anchors Away. Doon mo mararamdaman 'yong taas ng galaw nito. Gusto kong matawa kay Sleep dahil nakangiti lang siya habang palakas nang palakas 'yong Anchors Away. Samantalang ako, sigaw nang sigaw dahil sobrang nag-e-enjoy ako.

Pagkatapos namin sa Anchors Away ay um-exit na kami at pumunta doon sa photo booth services. Tiningnan ko 'yong picture at napangiti ako. "Aba, guwapo mo lalo kapag nakangiti, ah. Ipagpatuloy mo'yan."

"I know."

"Pero siyempre, dahil ako si Blossom, joke lang."

"Tss. Tara na nga." Guwapo, my God.Sunod naming sinakyan 'yong EKstreme Tower, Disk-O Magic pati 'yong Space Shuttle at Jungle Log Jam. Para din kaming tanga noong nag-bump car kami sa Dodgem.

Binabawi ko na 'yong sinabi ko kaninang mabo-bored ako, dahil nag-e-enjoy ako ngayon sa mga hanep na rides na 'yan. Pati Flying Fiesta, sinakyan din namin. Nang mapagod kami pareho, sumakay naman kami sa Wheel of Fate. Nakare-relax sumakay dito, eh. Chill ka lang, namnamin mo'yong view.

Nilabas ko ang phone ko at umakbay ako kay Sleep. "Selfie tayo, ah! Remembrance." Tinaas ko ang phone ko at saka kami ngumiti pareho. Tiningnan ko ang picture naming dalawa. Guwapo niya talaga.

"Accept mo friend request ko sa FB, ah. In-add kita."

"Alright," sabi niya at nilabas niya ang phone niya saka in-accept ang friend request ko. In-upload ko agad 'yong picture namin 'tapos tinag ko siya. Ang dami agad likes! Iba rin. Famous pala ang lolo n'yo.

Pagkatapos namin sa Wheel of Fate, nagpahinga muna kami doon sa bench malapit sa mga Skill Games.

"Ano'ng tawag sa grupo ng mga aso?"

"Ano?"

"Asosasyon! Grabe, benta talaga sa 'kin!" tawang-tawa nasabi ko.

"Supportive ka sa sarili mo. Nakakaawa ka."

"Oo naman, yes. Because I'm blawesome!" Natigilan ako nang biglang tumunog ang phone ko. Binuksan ko 'yong message.

Nag-text si dade.

I saw Kian. I saw him. Here, in EK. Pero bigla siyang nawala agad.

Napatayo ako bigla. Nandito si Kuya Kian? How did he recognize Kuya Kian's face? Sigurado ba siyang si Kuya Kian ang nakita niya?

Kinuha ko ang wallet ko at binuksan 'yon. Napangiti na lang ako nang tingnan ko ang picture namin ni Kuya Kian noong 4 years old ako at siya naman ay 5 years old.

"Lagi naman kitang kasama, eh. Mahahanap ka rin namin, Kuya . . ." 


Wake Up Or SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon