27

13.9K 396 6
                                    


CHAPTER TWENTY-SEVEN

Blossom

TINANGHALI ako ng gising kaya na-late ako ng pasok.

Hindi ako ginising nina Dade dahil bilin daw sa kanila ni Tulog ay hayaan na muna raw akong matulog. Sweet.

Half day tuloy ako. Hindi ako nakapasok kaninang umaga dahil nga ngayon lang ako nagising.

Nagmadali akong kumain ng lunch at pumasok na ng school.

Pagkapasok na pagkapasok ko, buti hindi ako late! Kasabay kolang pumasok ng classroom ang Filipino teacher namin na si Sir Raymart.Nag-discuss siya sa harapan at ang dami niyang mga tanong. 'Yong iba madali lang masagot, pero 'yong iba mahirap nangsagutin.

Lumipas ang buong araw at nag-training na naman kami. Malapit na ang swimming competition kaya kailangan ng puspusang training.

***

HINDI na kami gaanong nag-uusap ni Tulog dahil pareho kaming busy.

Busy siya sa banda, at ako, busy sa training. Nag-message siya sa 'kin kagabi at sabi niya, hintayin ko raw siya rito sa bahay dahil may pupuntahan daw kami.

Hindi ko paalam kung saan.Kanina ko pa siya hinihintay at simple lang ang suot ko.T-shirt lang na red at puting shorts.

Lumabas na lang ako ng bahay namin at hinintay siya sa harap ng gate nila.

Maya-maya ay lumabas na siya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Park lang, papahangin."

"Ah, okay."

Sabay kaming naglakad papunta sa park at nakatutuwang pagmasdan 'yong buong park.

Maraming naglalarong mgabata at may mga nagpi-picnic na pamilya. Nalungkot tuloy ako.

Simula no'ng mawala si Kuya Kian, never kaming nag-picnic nina Momsie at Dade. Never kaming nakapag-family bonding. Oo, sa bahay lagi kaming magkasama, pero never kaming lumabas nang magkakasama.

Umupo ako sa duyan at gano'n din si Tulog. Tahimik langkami pareho. Ako, hindi ako sanay manahimik pero sadyang natahimik ako ngayon dahil naiinggit ako sa mga nakikita ko.

Napatitig ako roon sa dalawang bata. Siguro magkapatid sila. Batang babae at batang lalaki.

"Hey, bakit ka umiiyak?"

Napalingon tuloy ako kay Sleep nang tanungin niya ako. Agad akong napapunas sa pisngi ko at tama nga siya, umiiyak nga ako.

"Naalala ko lang bigla 'yong kapatid ko," pilit na ngiting sabiko. Tumayo na ako mula sa duyan at saka nag-unat-unat.

"Tara na, uwi na tayo. Nawala kasi ako sa mood bigla, eh," pag-aaya ko.

Tumayo na rin siya at akala ko lalakad na rin siya pauwi pero natigilan ako dahil bigla niya akong niyakap.

"Cry all you want. For now, isipin mo na ako 'yong kapatidmo. Tell me everything you want to say to him," sabi niya at mas lalong nagtuloy-tuloy sa pagpatak ang luha ko.

Napakapit na lang ako sa damit niya at napakagat ako sa labi ko. Pinipigilan kong humikbi kasi nakakahiya.

Huminga ako nang malalim at saka siya niyakap nang mahigpit.

Just for now, kunwari ay si Kuya Kian ang yakap-yakap ko.

"I miss you, Kuya. Sobrang miss na miss na kita. Bakit kasi bigla kang nawala sa tabi ko no'ng araw na 'yon? Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala. Kung paano kami naging apektado no'ng nawala ka. Kuya, nahihirapan ako, nasasaktan ako. Hindi ba, alam mo namang masayahin akong tao? Pero simula no'ng nawala ka, Kuya, may parte sa akin na hindi na talaga masaya. Kuya, sana mahanap ka na namin. I really miss you, Kuya. Miss na miss ka na namin." Halos maghabol ako ng hininga dahil sa sobrang emotional ko sa mga sinabi ko.

How I wish na si Kuya Kian talaga sana ang kausap ko ngayon.

Alam n'yo ba kung ano'ng pakiramdam ng mawalan ng kapatid? Sobrang sakit. At ang mas masaklap pa, hindi namin alam kung buhay pa ba siya o patay na.

Sana, sana buhay pa siya. Kahit huwag na namin siyang mahanap, basta ang importante buhay siya at maayos ang buhay niya. Okay na sa 'kin 'yon. Magiging masaya ako para sa kanya.

***

ANG ingay-ingay sa buong campus.

Nagsisigawan na ang mga fans ng The Garden pati ng The Pastel.Excited ang lahat dahil mamayang gabi na gaganapin ang band competition sa People's Park.

Doon ginaganap ang mga event ng iba't ibang school. Well, hindi siya park, okay? Tinawag lang siyang People's Park.

Si Sleep, hindi ko pa nakikita dahil hindi niya naman ako sinundo kanina pagpasok. Baka busy siya. Pero kanina, tinanong ko sina Red kung nasaan si Sleep. Hindi raw nila alam at hindi paraw nagpapakita sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.

Nasaan ka na, Tulog?

Natapos ang science subject namin at nagulat naman ako nang hilahin ako ni Ulan palabas ng classroom.

"'Oy, Ulan, problema mo?"

"May sasabihin ako sa 'yo! Pero kailangan sa CR ko sabihin!"

"Bakit? Buntis ka?! Jusko, Ulan! Ang bata-bata mo pa! Papanagutan ba ni Black 'yang dinadala mo?! Buti sana kung tae lang 'yang dinadala mo—"

"Shut up, Bloss!"

Pinasok niya ako sa CR at ni-lock niya 'yon bago humarap sa akin. May kinuha siya sa bulsa ng palda niya at iniabot sa 'kin.

"Ilang araw kong pinag-isipang mabuti kung dapat ko bang ibigay sa 'yo 'yan, at naisip kong dapat talagang ibigay ko sa 'yo 'yan."

"Aanhin ko 'tong wallet? May sarili akong wallet, Ulan."

"Gaga. Wallet ni Rade 'yan."

"Oh. Eh, ano'ng gagawin ko d'yan?"

"Will you open it first bago ka magsalita nang magsalita d'yan?!"

Binuksan ko na lang ang wallet at natigilan ako nang makita ko ang picture namin ni Kuya Kian no'ng bata kami. Nasa park kami at magkaakbay.

Bahagya akong nagtaka.

"Bakit nasa wallet 'to ni Rade?" tanong ko.

"Exactly my point, pero may kutob ako, eh . . ."

"A-Ano?"

"Feeling ko, siya ang nawawala mong kapatid, Bloss."

"N-Nababaliw ka na ba? Imposible naman 'yan."

"Bloss, walang masama kung ita-try mo siyang tanungin, 'diba? Paano kung siya talaga si Kian? 'Di ba?"

Tama si Ulan. Pero teka . . .

"Bakit na sa 'yo 'tong wallet ni Rade? Don't tell me, magkasama kayo lagi? Oh, my G!"

"Shut up, Bloss! N-Nahulog niya lang 'yan no'ng nag-usap kami."

Natuon ang atensyon ko sa litratong hawak ko ngayon. Naguguluhan ako at ang daming tanong na nabuo sa isipan ko.

Posible bang ikaw nga 'yong taong matagal ko nang hinahanap?

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now